^

PSN Showbiz

Pacquiao noon pa pangarap maging presidente, ABS-CBN magbubukas daw sa 2021!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao noon pa pangarap maging presidente, ABS-CBN magbubukas daw sa 2021!
Pacquiao at Atienza
STAR/ File

Wow, kumpirmadong kakandidatong presidente sa 2022 si Sen. Manny Pacquiao. Mismong ang tatay-tatay niyang si Buhay Partylist Representative Lito Atienza ang nagsabi nito kahapon  “He’s running for president,” pahayag niya kahapon sa isang chance interview.

Pero ayon kay Cong. Lito, mahihirapan siyang mamili dahil tatlo ang inaasahang magsasalpukan sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa gaganaping presidential election sa 20202. “Pag tumakbo si Manny medyo mahihirapan ako. Kasi si Manny, si Mayor Isko Moreno and Mayor Sarah Duterte.”

Maraming beses na raw itong nabanggit sa kanya ni Sen. Manny. “Manny is seriously thinking and planning to run for president. He already told me that. And I told him to consider it not only once, twice, not only thrice, 10X more, consider, consider, isipin mong maigi ‘yan.”

Nag-umpisa raw ito noong hindi pa sikat si Manny. Sinasabi na nito sa kanya na gusto niyang maging presidente. “Nung unang panahon pa, hindi pa siya sikat na Manny Pacquiao nagsabi siya sa akin na kung magkakaroon siya pagkakataon tatakbo siyang pangulo. Sabi ko bakit? Sagot niya. ‘Kasi ang problema ng bansa ang mahihirap patuloy na naghihirap, ang mayayaman patuloy na yumayaman,we have to correct that,’” na ikinagulat nga raw ni Cong. Atienza na noon ay siyang madalas kasama ng boxing champion sa mga laban nito sa ibang bansa.

Kaya ngayong marami na raw itong pera, seryoso na ito sa pangarap. Sabi raw nito “Marami akong  pera pero nalulungkot ako pag naiisip ko ang kahirapan ng mga Pilipino.”

Paniwala si Cong. Atienza na may karapatan itong maging presidente. “I know his thinking, I know his emotion, I know his heart, his background, he has every right to think about it,”

Samantala, sinabi rin ng kongresista na hindi hula kundi magiging totoo ang sinasabing magbubukas sa 2021 ang ABS-CBN ngayong si Cong. Allan Lord Velasco na ang Speaker of the House. “Hindi hula yun, that’s a reality mangyayari ‘yun,” nang tanungin ko rin tungkol dito. “I am really confident, justice will prevail by next year,” banggit niya. “They were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice.
“Ako, I am just giving the new Spea­ker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad. Ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad lang, eh,” banggit niya.

Btw, trending kahapon si Pacquiao matapos itong mag-oath taking as chair ng PDP Laban. Wow, pag nagkataon, magiging busy ang career ni Madam Jinkee Pacquiao at Mommy Dionisia sa 2022.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with