^

PSN Showbiz

Kim, napaiyak sa trailer ng Bawal Lumabas

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, napaiyak sa trailer ng Bawal Lumabas
Kim
STAR/ File

Umapaw ang emosyon ni Kim Chiu nang mapanood niya ang trailer para sa original series na Bawal Lumabas kaya naman hindi niya napigilang maiyak nang maisapubliko ito. “Nag-flashback sa akin lahat simula nag-start ang Bawal Lumabas. One mistake won’t define you as a person,” ang nakasulat na caption ni Kim sa kanyang Instagram ­vi­deo kung saan nagpupunas siya ng luha habang pinapanood ang trailer. “When you make a mistake, don’t look back at it long... ‘Mistakes’ are lessons of wisdom. The past cannot be changed. The future is yet in your power.”

Ngayong Disyembre 14 na mapapanood sa iWantTFC streaming service ang naturang family dramedy.  Tampok din sa trailer ang hit song niyang Bawal Lumabas, na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo habang kainitan ng  ABS-CBN closure.

Mapapanood ng standard at premium subscri­bers ang Bawal Lumabas: The Series simula Dis­yembre 14 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.

Samantala, kung ang iba ay umaalis at naghahanap ng ibang manager, kabilang si Kim sa mga artista na pipirma ng kontrata na magaganap sa isang malaking event na Star Magic Shines On na ipalalabas sa ktx.ph today, December 4, 1 p.m..

Aside from Kim, kasama rin mga pipirma uli ng kontrata sina Darna actress Jane de Leon, leading men JM De Guzman, Joseph Marco, Pinoy Big Brother Connect at Game KNB? host Robi Domingo, The Gold Squad  teen idol Andrea Brillantes and Ang Sa Iyo Ay Akin star Kira Balinger.

KIM CHIU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with