Ang galing naman ni Miss Universe-Philippines 2017 Rachel Peters.
Nag-viral ang photo ng isang netizen matapos niyang ipagmalaki na may sinagip ang beauty na muntik malunod sa Siruma, Camarines Sur.
Isang nagngangalang Christopher A. Dionisio ang nag-post in Bicol dialect na iniligtas nga raw nito ang isang Topheng nang muntik nang malunod, na may kasamang ilang photos.
‘Di raw natakot ang girlfriend ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na sa Siargao na naka-base at may business doon.
Anyway, napanood ko recently si Rachel sa isang episode ng programa nila ni Marc Nelson sa Metro Channel na Beached at in all fairness sa kanya, mahusay siyang mag-host at mahilig sa adventure bukod pa sa sexy dahil laging naka-two piece sa programa.
Napuntahan na nila ang San Vicente, Palawan, Romblon, Camarines Sur kung saan iniikot nila ang magagandang beach sa Pilipinas.
Unang Hirit mamimigay ng bahay sa ika-21 anniversary
Isang brand new house ang ipamimigay ng Unang Hirit sa loyal viewers nito bilang pagdiriwang ng ika-21 anniversary ng programa.
Ang Bagong Bahay 2021, Pag-asa at Pagbangon, ay isang online promo na bukas sa lahat ng mga naapektuhan nang husto ng COVID-19 pandemic at ng mga nagdaang kalamidad.
Kailangan lang ibahagi ng mga gustong sumali kung paano hinarap ng kanilang pamilya ang mga pagsubok na dulot ng COVID at ng mga kalamidad, pati na rin kung paano sila unti-unting bumabangon upang itaguyod muli ang kanilang buhay.
Sa January 8, 2021, ia-announce ng programa kung sino ang mananalo ng bagong bahay.
Actress iniintrigang front lang ang aktor
Bakit kaya iniintrigang front lang ang actor ng girlfriend niyang aktres.
Diumano ay may real dyowa ang actress na maganda at sexy na isang mayamang personalidad. At si actor na sinasabing boyfriend niya, meron din daw karelasyon, pero hindi girl kundi boy din.
Ngek. Grabe naman ‘yun. Pero ‘yun ang chika ng ilang sources.
Well, tumulad kaya si actor sa Canadian actress na si Ellen Page – na umano’y isang atheist – na nagpakilalang Elliot Page matapos umaming transgender sa kanyang post kahapon? “Hi friends, I want to share with you that I am trans, my pronouns are he/they and my name is Elliot. I feel lucky to be writing this. To be here. To have arrived at this place in my life.
“I feel overwhelming gratitude for the incredible people who have supported me along this journey. I can’t begin to express how remarkable it feels to finally love who I am enough to pursue my authentic self. I’ve been endlessly inspired by so many in the trans community. Thank you for your courage, your generosity and ceaselessly working to make this world a more inclusive and compassionate place. I will offer whatever support I can and continue to strive for a more loving and equal society.
“I also ask for patience. My joy is real, but it is also fragile. The truth is, despite feeling profoundly happy right now and knowing how much privilege I carry, I am also scared. I’m scared of the invasiveness, the hate, the “jokes” and of violence.
“I love that I am trans. And I love that I am queer. And the more I hold myself close and fully embrace who I am, the more I dream, the more my heart grows and the more I thrive. To all the trans people who deal with harassment, self-loathing, abuse, and the threat of violence every day: I see you, I love you, and I will do everything I can to change this world for the better.
“Thank you for reading this.
“All my love, Elliot,” bahagi ng post nito.