Alam mo, Salve, na now na parang issue ‘yung mga relationship ng mga anak sa mga magulang nila na naghiwalay, naisip ko ang tatlo sa pinaka-public kids ng broken relationships. Tatlo sila na iba-iba ang tinahak na landas, at makikita mo talagang nasa tao mismo ang solusyon para sa sarili nilang buhay. Mark Anthony Fernandez, Luis Manzano at KC Concepcion, mga anak sila ng famous personalities, very public ang buhay nila, kasali sila sa pagiging public ng parents nila, lumaki sila under the glare of showbiz.
Kung anak ka nina Vilma Santos/Edu Manzano, Rudy Fernandez/Alma Moreno, Sharon Cuneta/ Gabby Concepcion, para ka na ring anak ng bayan.
Buong buhay mo nakikita, pinakikialaman ng publiko, bawat galaw mo iko-compare sa magulang mo, para bang wala kang kilos na hindi makikita ng publiko. Alam mo na the best ang sana ay wish ng bawat magulang sa anak nila, kaya kung gusto man nilang sundan ang yapak ng mga magulang nila sa showbiz, nasa kanila na iyon, but for sure, gusto nila na sana ay may fallback ang kanilang mga anak.
Kaya pinilit nina Edu at Vilma na makatapos muna si Luis ng college bago mag-showbiz. Ganundin sina Gabby at Sharon kay KC. Pinagtalunan nina Rudy at Alma ang pagpasok ni Mark Anthony na nasa high school pa noon, na siyempre nang kumikita na ng malaki ay hindi na itinuloy ang pag-aaral.
Lahat silang mga magulang ng tatlo ay ibinigay ang pagmamahal at guidance sa mga anak nila, pero siyempre iba-iba pa rin ang mga path na tinahak nila sa buhay.
Maganda ang career at very stable si Luis. Hindi man ganu’n ka megastar si KC, proud college graduate at very independent woman naman ito. Si Mark Anthony ang nakakahinayang dahil ang ganda ng start ng showbiz career, isang mahusay na dramatic actor, pero siguro hindi pa buo ang emotional stability kaya medyo hindi umabante nang husto at may mga bagay sa buhay na naging issue.
Hayan sila, mga produkto ng broken relationships pero iba-iba ang naging resulta sa buhay. Pero kahit ano pa, sasabihin ko na minahal sila at very proud ang mga magulang nila. For them to grow in the eyes of the public is one big challenge na sa buhay nila. For them to survive that scrutiny, the very public pains, sadness, and who knows, anger in their hearts, grabeng hamon sa buhay.
Dapat more understanding tayo sa kanila. Dapat mas malawak ang pang-unawa natin sa sitwasyon nila. I can relate ‘pag pumapatol sina Luis at KC sa bashers. I can relate why naging ganu’n ang sitwasyon ni Mark Anthony.
Kahit ano pa ang sabihin, siyempre may part sa heart nila na kahit papaano ay broken dahil sa nangyari sa mga magulang nila. Bawat anak ay mas gusto siguro na magkasama forever ang mga nanay at tatay nila. But they tried to understand.
Let us be more understanding to them. Let them heal, let them accept the reality of life, and enjoy seeing them grow beautifully.
Kudos to KC and Luis. Mark Anthony still needs more guidance, let us help him more. Proud of these kids.