^

PSN Showbiz

Bagong macho dancer, naranasang magluto ng kaning-baboy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong macho dancer, naranasang magluto ng kaning-baboy
Ricky

Grabe, mapangahas, palaban, walang takot sa hubaran ang Mister Global Philippines 2019 na si Ricky Gumera na bida agad sa unang pelikula niya na Anak ng Macho Dancer. Gaganap siya bilang si Kyle na inabuso ng sariling ama na ginagampanan ni Jay Manalo.

Eh ano ang reaksyon na tinatawag siya ngayon na bagong Totoy Mola? “Sobrang nakakatuwa kasi Jay Manalo ‘yan, eh! Pabor sa  akin ‘yan. May maipagmamalaki naman ako! Makikita n”yo sa movie,” sey niya sabay tawa.

Wala ring problema kung title holder siya ng Mr. Global Philippines tapos ngayon ay tinatatakan siyang bagong Totoy Mola? “Okey lang sa akin kasi iba na itong pinasok ko,” sey ng talent ni Meg Perez under Megamodels Events and Talent Management. “Ang laki po talaga ng adjustment ko sa pag-aartista na  galing sa pageant. Fulfillment sa akin ‘yung role na binigay  ng Godfather Productions. Challenging, markado,” dagdag pa niya

Kumusta namang katrabaho  ang mga batikang sina Jaclyn Jose, Jay Manalo, Emilio Garcia? “Masaya . Marami akong natutunan. Ang  madalas kong kaeksena  po ay sina Ms. Jaclyn, Sir Jay , Sir Emilio. Si Sir Allan Paule po hindi ko nakaeksena pero nakakasama ko sa set. Si Ms. Rosanna Roces, hindi ko talaga nakita.

“Si Ms. Jaclyn sinasabi niya ‘wag mong aktingin, normal ka lang. Ganoon din sabi ni Sir Emilio maging natural lang. Ang mabibigat kong eksena  kay Jay Manalo. Sobrang humanga ako nang mapanood ko siya. Grabe  bigay todo si Sir Jay. Sobrang idol ko talaga.Nakita ko kung paano siya umarte ,” banggit niya. Dagdag pa niya, tinuruan din daw siya ni Jay ng secret kung paano manakal na hindi ka masasaktan.

Anyway, makulay pala ang buhay ni Ricky bago naging Mister Global Philippines 2019 at pumasok sa showbiz. In fact sa nabasa ko, pasok na pasok ito sa Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya.

Laking squatter siya sa Cavite kung saan ina­lagaan siya ng kanyang lolo’t lola na buong pag-aakala pala niya ay mga magulang niya. ‘Yun pala, inabandona siya noon ng kanyang ina. Eleven daw silang magkakapatid pero iba-iba ang tatay pero may tatlo sa 11 na iisa ang ama at pang-apat siya. Pinamigay at pinaampon daw ‘yung iba.

Hindi rin daw niya nakilala ang kanyang ama at kahit ang nanay niya ay hindi na alam kung ano ang pangalan ng father niya. Nu’ng bata pa raw siya ay nabuhay sila sa paglalaba ng kanyang lola. Labandera raw ito ng mga squatter.

Naranasan din daw ni Ricky na mag-ulam ng asin. Hahaluan daw nila ito ng tubig para maging sabaw.

At mula elementary hanggang high school kandila raw ang gamit niya sa pag-aaral dahil wala silang kuntador. Pumapasok daw siya noon kahit walang baon basta’t bago siya umalis ay makakain siya ng tirang kanin.

Pagkatapos niyang mag-grade 6 ay pumasok siya sa karinderya. Naging tagahugas ng pinggan, taga-pamalengke. Hanggang naging taga-linis din siya sa babuyan, nagluluto ng kaning baboy na umabot din daw siya ng isang taon.

Nagtrabaho din daw siya sa junk shop ng anak ng ninang-tita niya, nagkokolekta ng mga kalakal. May softdrinks business din daw dun kaya nagde-deliver siya. Nagugulat daw ang mga taong nakakakita sa kanya dahil nagbubuhat siya ng mabibigat sa murang edad.

Nakapagtapos  siya ng kursong BS Marine Transportation dahil sa pagiging scholar. Varsity player daw siya ng volleyball sa PMMS Las Piñas at sumasayaw rin siya ng ballroom.

Si Ricky ay 21 years old, may taas na 5’11. At sa hirap na dinanas ni Ricky sumusumpa siya na hindi siya kumapit sa patalim. “Marami pong nagpaparamdam before na gay pero nandiyan na po ‘yung tita-ninang  ko na nasandalan ko before. Siya ang sumusuporta sa pag-aaral ko bukod sa scholarship ko,” diin niya.

 Samantala, nanlumo, nanlambot  ang Godfather Productions  producer na si Joed Serrano  at ang kanyang  manager na si  Meg Perez nang  magpunta sila sa bahay nito sa Cavite.  Dahil dito, binigyan agad ni Joed ng bonus si Ricky na house and lot para makalipat kasama ang pamilya nito.

Nakatakdang magkaroon ng premiere night ang Anak ng Macho Dancer sa December. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan. Prodyus ng Godfather Productions katuwang ang Blackwater.

MACHO DANCER

MISTER GLOBAL PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with