Dating beauty queen na si Maita Gomez, naalala sa pagkamatay ng anak ng congressman

Maita Gomez

Siguro kung isa kang magulang at mapapatay ang anak mo sa isang military encounter para sa ipinaglalaban niyang bagay, ang sakit sa puso mo.

Isang 22 years old na babae, bunso ng isang congressman, ang namatay sa engkuwentro ng militar at NPA na parang shocking sa panahon ngayon.

Ikinagulat ko dahil naalala ko ang beauty queen na si Maita Gomez na sumali rin sa sinasabi nilang rebolusyon against the government.

Wow! Amazing. Akala ko passive na ang mga kabataan ngayon, ang internet, Facebook, Instagram at Twitter na lang ang hinaharap, pero meron pa palang mga kabataan na nagagawang silawin ng ganitong ideas, mga hinaing na hindi na matapus-tapos, at mga bagay na ayaw nilang hintayin kung paano mari-resolve.

I respect what they want to believe, pero hindi ba mas maganda na lumaban tayo nang harapan? Hindi ba mas maganda na ‘yung mga hinaing natin, sabihin natin at hintayin na malutas ng mga leader natin? I still believe and respect our democracy. Ang mga leader na pinili natin ay bigyan natin ng sapat na panahon para tulungan tayo, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Hindi puwede na lahat ng bagay sa bundok natin ilalaban, pati ang innocent civilians ay puwedeng madamay.

Hindi natin puwedeng idaan sa dahas ang ipinaglalaban natin, malawak na ang social media, bukas na ang lahat ng mga mata at tainga ng mga kababayan natin at kahit taga-ibang bansa, so I trust na puwedeng magbago ang lahat. Huwag na tayong magtago pa sa bundok, harapin na lang natin ang lahat.

Kung para sa bayan ang ipinaglalaban natin, sa bayan natin isumbong, at bahala na ang leaders nating ayusin. Huwag na tayong magrebelde, marami pa ang madadamay.

Harapin natin ang lahat sa legal na paraan, trust our government, trust our leaders at magtulu­ngan tayong lahat. 

April Boy, hindi makakalimutan sa kanyang mga kanta

Sad naman na ang bata pang mamatay ni April Boy Regino sa edad na 59. At sad na bago siya pumanaw ay nabulag pa siya.

Talagang hindi mo rin hawak ang kapalaran mo at mangyayari sa iyo.

Sa kasikatan ni April Boy noon, hindi mo aakalain na mangyayari ito sa kanya. Mabuti na lang at ang mga nagawa niyang awitin ay laging maaalala ng mga tao, at patuloy na mabubuhay ang kanyang musika.

Sa pamilya ni April Boy, ang aming pakikiramay. Rest in peace, April Boy, kahit hindi namin kayang tanggapin. 

Show comments