I feel great sadness everytime na maalala ko ang isang kaibigan for almost two decades - former broadsheet lifestyle / entertainment editor and columnist, Iskho Lopez.
He passed away four days ago at Anawim Lay Missions Foundation. He was 73.
Bukod sa pagiging newspaper editor and columnist, isa rin siyang mahusay na screenwriter. Kabilang sa mga sinulat niya ang award winning movie na Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak starring Vilma Santos, Bembol Roco, Joonee Gamboa, Angie Ferro and Lito Anzures noong 1978.
Nakasama rin si Iskho sa local production team nang mag-shooting ang pelikulang Apocalypse Now ni Francis Ford Coppola sa Baler, Quezon, na isang war movie at ipinalabas noong 1980.
Bukod sa pagiging broadsheet editor, naging editor din siya ng showbiz oriented tabloid na Bongga of the Manila Chronicle. Sikat ang nasabing tabloid noon.
Nang mawala siya sa position (editor), naging PR siya ng PTV4 at ilang pulitiko.
For a while ay nagtrabaho rin siyang speech writer sa panahon ni dating president Gloria Macapagal-Arroyo at nakasama siya sa grupo ni Fernando Poe Jr. nang kumandidato itong presidente.
Pinakahuling trabaho niya ay ang pagiging head of the Presidential News Desk noong panahon ni former president Noynoy Aquino.
Isa rin sa mga kaibigan niya in his prime years ang national artist na si Jose Joya.
Though malaki ang age gap namin, there was a time na wala kaming ginawa kundi magbabad sa Malate, nung time na masaya pa ang nasabing lugar dahil sa isang sikat na apartment siya nakatira noon. Madalas naming kasama ang namayapa na ring Isah Red.
Friends nila ang halos lahat ng owner ng bar and restaurants sa Malate na high end area and favorite ng mga turista that time, since sila ang mga ‘reyna’ noon ng kanilang section.
Isang unforgettable story ay nang minsang mag-dinner kami sa Bistro Remedios. Mahilig kasi siyang kumain at favorite niyang orderin ang crispy tadyang.
Dahil hindi mahilig magpa-check up, high blood na pala at nagkaroon ng mild attack na ang buong akala ni Isah ay nagbibiro lang kaya kunyari ay ipi-pray over siya nito. ‘Yun pala totoong inaatake na.
Fast forward, walang masyadong kamag-anak si Iskho na mag-aalaga sa kanya kaya nag-decide ang mga kaklase niya at ibang kaibigan na dalhin siya sa Anawim na si Bro. Bo Sanchez ang nagpatayo nang dumating siya sa edad na 72.
Dahil mahina na at may memory lapses, doon na siya sa Anawim dinala ng mga taong nagmamalasakit sa kanya. At namalagi siya sa nasabing facility for more than a year.
Maganda ang lugar. Malinis at ramdam mong masaya ang mga matatanda na nakatira sa roon kung saan dinala sila ng mga kamag-anak nila.
Once na pumasok sa doon, until the end doon ka na. Na nangyari kay Iskho.
No viewing after his death at diretso na sa libingan sa likod ng Anawim.
Anyway, ang malungkot lang talaga, hindi na siya naalala man lang ng mga nakasama niya noon sa pelikula o mga artistang nabigyan niya ng award sa sinulat niyang kuwento.
Goodbye, my friend. Kasama mo na si Isah, Ed Pacheco and Frank Mallo.
Salamat mga kapatid sa masasaya at magagandang aalala.
Young actress na hindi sumikat-sikat, nagbayad ng danyos sa ‘ex’
Nagbayad pala ng ‘danyos’ ang isang young actress sa taong ginawan niya ng ‘kasalanan’ na sabi ay ex pa niya. Wala raw naging choice ang young actress kundi magbayad dahil sa ginawa nitong kasinungalingan noon.
Binaliktad daw kasi nito ang real story kaya umabot sa korte ang kanilang isyu.
At kasabwat pa raw nito noon ang kanyang nanay. Ito kaya ang rason kaya hindi sumikat-sikat si young actress?
GMA executive naging judge ng Emmy Awards
Naging bahagi na naman si GMA First Vice President for Program Management Jose Mari R. Abacan ng panel of jurors sa Final Round of Judging ng Comedy category sa 48th International Emmy Awards na ginanap noong November 23.
Prior to this year’s competition, Joey has also represented the Network as a juror in several categories of the prestigious international award-giving body since 2007.
Si Joey ang naging instrument ng GMA para ipakilala sa bansa ang Koreanovelas, Lakorn, Turkish and Indian series in the country at siya ring nangunguna at nagbabantay sa program acquisition initiatives from foreign producers ng GMA.
Mga dula ng PETA puwede na ring panoorin sa bahay
Hindi na kailangang maghintay ang mga masugid na manonood ng mga dula dahil mapapanood na rin ang ilang obra ng Philippine Educational Theater Association (PETA) sa KTX.PH simula noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 6.
Makalipas ang 10 taon, mapapanood na sa online ang hit musical na Care Divas na tungkol sa limang caregivers sa Israel.
Sariwain ang kwento nina Chelsea (Melvin Lee), Shai (Vincent De Jesus at Ron Alfonso), Thalia (Dudz Teraña at Jason Barcial), Kayla (Gio Gahol, Jerald Napoles, at Ricci Chan), at Jonee (Thou Reyes at Phil Noble) na nagtatrabaho bilang caregivers sa umaga at drag queens sa gabi.
Kasama rin ang Palanca-Award winning musical na 1896 na unang pinalabas noong Philippine centennial celebration noong 1998. Tampok sa musical sina Ariel Rivera bilang si Emilio Jacinto, Rody Vera bilang si Andres Bonifacio, Bodjie Pascua at Lionel Guico bilang si Emilio Aguinaldo, at Noel Cabangon bilang si Jose Rizal.
Siliping muli ang Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto, na tungkol sa buhay ng first time voter na si Juan Tamad. Nang matalo ang kanyang kandidato, mawawalang gana ito sa kalagayan ng bansa, pero magiging aktibo itong muli matapos harapin ang ilang pagsubok. Hangarin ng palabas na idinerehe ni Phil Noble na maghatid ng aral tungkol sa eleksyon at tamang pamamalakad ng gobyerno.
Maaari namang maka-relate ang KTXers sa musicals mula sa Peta Lab Set A at B. Ipapakita nito ang mga pinagdadaanan ng ordinaryong Pilipino ngayong panahon pandemiya.
Kwento naman tungkol sa kasaysayan at mga pinagdaanan ng PETA ang mapapanood sa dokyu na Living Voices. Sa naturang documentary, napagsama-sama nila ang ilan sa mga haligi ng theater company sa mga nagdaang taon.
Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.