^

PSN Showbiz

Vilma, ramdam na kikita ang MMFF sa internet

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Vilma, ramdam na kikita ang MMFF sa internet
Vilma

“Tama naman sila, kailangang subukan din natin ang ibang platforms para sa ating mga pelikula dahil sa pandemic at kung sakaling matapos na ito, iyang mga nabuksang platform ay karagdagang market din para sa mga pelikula. Hindi ba kung minsan nangyayari sa atin iyong hinahabol mo ang pelikula sa sine, tapos hindi na pala palabas. Kung may video streaming mapapanood mo pa rin iyon.

“Pero siyempre hindi natin maikakaila na kailangan pa rin natin ang mga sinehan. Iyan na kasi ang nakasanayan ng mga taong punta­han para manood ng pelikula,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos, na minsan ay naging bahagi rin ng execom ng MMFF.

“Makaka-survive iyan. MMFF eh. Siguro dahil wala ngang sinehan medyo mas maliit ang kita pero makaka-survive. Pinag-uusapan pa naman daw nila eh. Hindi mo masasabi kung bago mag-Christmas luluwagan na ang quarantine, baka maging modified na rin ang Metro Manila, at kung magiging ganoon papayagan na rin ang mga sinehan. Depende na rin iyan sa mga mayor kung ano ang desisyon nila.

“We are all hoping for a favorable decision. Kailangan iyan ng industriya eh. Kung ako ang may pelikula, isasali ko rin sa festival kahit na walang sinehan, kasi makakatulong din naman siguro iyon sa paghatak ng mga tao sa panibagong platform na dine-develop natin para sa ating mga pelikula. Mabuti isinali nila iyong pelikula ni Nora - Aunor, kasi at least masasabi nga natin na may isang malaking star talaga sa festival. Hopefully kumita rin sina Jinggoy - Estrada, and of course may magandang comedy rin naman at iyan ang hinahanap ng mga tao on Christmas time.

“We should only hope and pray for the best,” sabi ni Ate Vi.

Marami sa mga kritiko ang nagsasabing nakakatakot ang pagdaraos ng film festival sa taong ito. Ito kasi ang first time na wala silang sinehan.

Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari o kung tama ba talaga ang kinatatakutan ng mga kritiko.

Sandra umaming nagkaanak out of love

Nag-react si Sandra Sei­fert sa sinasabi ng mara­ming bashers na naglabasan matapos niyang i-post ang mga picture ng anak nila ni Cesar Montano.

Masasakit ang sinasabi laban sa kanya. May nagsasabing siya ay “kabit,” “immoral”. At ang mas matindi, sinasabi pang siya pala iyong babaing nakahubad sa nag-viral na video ni Cesar Montano.

“Sana mag-research muna kayo kung ako nga iyon,” ang nasabi lang ni Sandra.

Inamin din niyang siguro nga naging pabigla-bigla, o natangay siya ng emosyon kaya nagkaroon siya ng anak “out of love” pero naniniwala naman daw siya na kung ang isang tao ay nagkamali man, siya ay maaaring magbago at iyon ang sinisikap niya sa ngayon.

Aktor, may sakit na sa kapapatol sa bading

Galit na galit ang isang female star nang siya ay kantiyawan ng mga bashers na halatang iniiwan na siya ng kanyang boyfriend na tila nagsawa na sa kanya at mukhang siya na lang ang talagang habol nang habol. Ngayon marami nang okasyong hindi siya kasama ng boyfriend, hindi kagaya noong araw na sikat pa siya at sinasabing nasusustentuhan niya pati ang mga bisyo ng boyfriend.

Ngayon din naman, kumakalat ang mga tsismis na panay ang “sideline” ng boyfriend niyang hindi na rin sikat sa mga kaibigan niyang bading, at kahit na sa mga “cheap girl”, na alam na rin ninyo kung ano ang trabaho.

Ang nakakatakot niyan, baka sa pagpiplit ng female star na bumuntot pa sa kanyang boyfriend ay mahawa pa siya ng sakit kung sakali.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with