^

PSN Showbiz

Pelikula ni Nora, nakapasok na rin finally sa MMFF

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Pelikula ni Nora, nakapasok na rin finally sa MMFF
Nora
STAR/ File

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay walang pelikula ng mga kinikilalang box office stars. Nangyari na rin iyan noong 2016, nang tanggihan nila ang sinasabi nila noong “commercial movies” na inilabas lahat bago ang festival, kaya nakopo ng mga iyon ang Christmas playdate sa mga probinsiya, at hindi kinuha ng mga sinehan sa labas ng Metro Manila ang entries sa festival. Mas malaki ang kinita ng pre-festival week kaysa sa festival.

Ngayon, hindi naman nila tinanggihan, pero  dahil sa pandemic hindi nga raw makapag-shooting nang husto si Vice Ganda. Ganoon din ang katuwiran ng pelikula sana ni Joshua Garcia. Hindi naman kumilos para gumawa ng pelikula sina Vic Sotto at Coco Martin. Iyon ding sinasabing pelikulang gagawin sana ni Aga Muhlach hindi na sinimulan.

Simple lang ang dahilan, commercial viability. Papaano ka nga naman kikita o babawi man lang kung wala namang sinehan at sa internet lamang ipalalabas ang pelikula mo?

Ni hindi nga sigurado kung papaanong kikita ang mga pelikula. Hindi ba may Pista ng Pelikulang Pilipino na ginawa ring ganyan? Ano ba ang kinalabasan? Kumita ba ang mga pelikula?

Para pumutok kahit na papaano ang mga pelikula sa festival, kailangan nila ang matinding promo, pero wise ba na gumasta ka nang malaki sa promo kung hindi naman sigurado sa kita?

May mga kritiko ngang nagsasabi na siguro mas naging wise na decision kung ipinagpaliban nila ang festival sa taong ito. Pero sabi naman ng iba, ok lang dahil may mga pelikula silang kasali na kung hindi festival, ni hindi rin naman maipapalabas.

Salamat na nga lang at may festival, para kahit na sa internet lamang ay nagkaroon sila ng playdate, dahil kung hindi, kahit na walang pandemic, tagilid din ang ilang pelikulang entries na makakuha ng playdate sa mga sinehan.

Samanatala, pasok ang pelikula ni Nora Aunor sa MMFF. Noong nakaraang taon yan isinasali sa MMFF pero kasama iyan sa mga na-reject ng selection committee dahil sabi nga nila mas bagay na isali iyan sa kanilang binubuong “summer film festival.” Doon kasi sa kanilang balak na summer festival, walang pinag-uusapang commercial viability, ang kailangan ay maganda. Inabot naman ng pandemic, at kinansela nila ang summer festival kaya ngayon isinali na nila finally ito.

Kung iisipin mo, maaaring sabihing si Nora  ang pinakamalaking artista ngayon sa MMFF, kasi siya lang naman ang may claims sa superstardom. Ang tanong, ngayong wala naman siyang kalabang malaking box office star, lumabas na kayang top grosser ang pelikula ni Nora?

Aba dapat naman, una hindi naman kagaya nang dati na mahal ang admission prices. Mura lang ang bayad sa panonood sa internet. Isa lang ang magbabayad, marami rin ang maaaring manood nang sabay-sabay. Puwede pang ulitin.

Dating publicist ni Ate Vi, pumanaw na

Nabalitaan lang namin noong isang araw ang pagyao ng isang dating kasama sa entertainment press, si Cleo Cruz.

Si Cleo ay aktibo noon sa pagsusulat ng entertainment columns sa komiks at magazine, at kilala siyang publicist ni Ate Vi (Vilma Santos). Siya talaga ang publicist ni Ate Vi noong nagsisimula pa ang Star For All Seasons sa kanyang career bilang isang teenage star.

Noong mamatay ang kanyang unang asawa, nagpunta na sa US si Cleo at tuluyang nagretiro bilang isang movie writer. Ganoon pa man, updated siya sa mga balita lalo kung tungkol kay Ate Vi na itinuturing na nga niyang isa sa kanyang mga anak.

Hindi namin alam ang detalye ng kanyang pagkakasakit at pagpanaw, pero siguro nga talagang panahon na rin naman ng kanyang pamamahinga.

Ipanalangin na lamang natin ang kanyang kaluluwa.

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with