PETA, may virtual theater na
Muling masasaksihan ang pagtatanghal ng The Philippine Educational Theater Association (PETA) virtually, kung saan bubuksan nito ang pinakaunang online edition ng PETA Laboratory!
Pinamagatang K.E.-POP: Kalinangan Performers Overcoming a Pandemic, mapapanood dito ang mga bago at lumang pagtatanghal na konektado sa kasalukuyang nangyayaring pandemya. May anim na programang handog ang online streaming festival na mapapanood sa www.ktx.ph mula Nobyembre 27 hanggang 29 at Disyembre 4 hanggang 6, 2020.
Ayon kay PETA Artistic Director at PETA Laboratory Director Maribel Legarda, isa itong pagkilala sa ating mga aktor na nananatiling malikhain at matatag sa gitna ng pandemya. “It’s going to be a mixed bag of things,” sabi nito, “We hope that these explorations will be very interesting for our audiences, especially in these times of isolation and disconnection.”
Ito ang unang pagkakataon na ipalalabas ng PETA ang tatlo sa pinakahinangaang produksyon. Maaari nang balikan ng mga manonood ang isa sa pinakasumikat na musikang pagtatanghal, Care Divas nina Liza Magtoto at Vincent De Jesus, kasama ang voter’s education musical na Si Juan Tamad ni Vincent De Jesus, Ang Diyablo, at Ang Limang Milyong Boto, na sa pinaka-unang pagkakataon ay mapapanood sa screen, ang historical and landmark musical, ang 1896 nina Carlos “Charley” de la Paz and Lucien Letaba – ang una at kaisa-isang tinanghal sa pamamagitan ng pag-awit ng PET, na tungkol sa himagsikang Pilipino.
Bumuo rin ang PETA ng isang dokumentaryo na tumatalakay sa 54 taon nito bilang isa sa matatag na teatro sa bansa.
Tutukan ang mga ito simula Nobyembre 27, kung paano harapin ng PETA ang kasalukuyang pandemya sa pamamagitan ng sining at pagbabalik-tanaw sa mga lumang pagtatanghal na sumasalamin sa mga Pilipino ngayon. “We would really love and need the energy that the audiences bring to us, because of course, we miss that,” ayon kay Maribel Legarda tungkol sa pagsalin ng teatro sa virtual stage. “That’s the gaping hole that will never be filled. But given this condition, we’re more than willing to accept this challenge – explore and create new ideas and new stories, and at the same time, introduce who we are as artists.”
- Latest