^

PSN Showbiz

Glaiza, may gagawing ala-Breaking Bad

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Glaiza, may gagawing ala-Breaking Bad

Nagpakita ng suporta si Glaiza de Castro sa mga residente ng Baler, Aurora na nasalanta ng Bagyong Ulysses sa pamamagitan ng pagre-repack at pamimigay ng relief goods.

Bukod dito, inengganyo rin niya ang publikong magbahagi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyo sa iba’t ibang parte ng bansa.

Samantala, nagbigay rin ang Kapuso actress ng ilang detalye tungkol sa isa sa mga inaabangan niyang acting projects para sa 2021. Pinili ang aktres ng Canadian Film Society para gumawa ng pelikula at kukunan ito sa Canada.

“Joint project ‘to ng mga Canadian at mga Filipino sa Canada at ito ay idi-direct ni Filbert Wong. Ang story nito medyo related sa illegal business. Medyo may pagka-Breaking Bad,” aniya.

YT mas marami nang views kesa sa TV?!

Grabe talaga ang fans ng Korean pop na BTS. Imagine lampas 100 million na ang YouTube views nito in just two days.

Ito ay para sa kantang Life Goes On.

Nauna nang inilabas ng BTS ang Dynamite na ganito rin karami agad ang nanood nang i-release nila ito.

Masasabi ngang ang YouTube na ang bagong TV. I mean kung noon hinihintay nila sa mga music channel ang pagpapalabas ng mga music video ng mga favorite artist nila, ngayon sa social media platform na lang nanonood ang fans dahil anytime na gusto nila, puwedeng-puwede.

Kaya siguro rin hindi gaanong mataas ang rating ng ibang TV shows particular ang mga bagong launch lang dahil nga mas pinapanood na nila ito sa social media platforms lalo na nga at walang tambak na commercial at puwedeng i-skip ang ad dito.

GLAIZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with