Pussycat Dolls singer nag-Tagalog, 'Pangako' ni Regine Velasquez binanatan
MANILA, Philippines — Sa kauna-unanghang pagkakataon, prinoyekto ng Filipino-American lead singer ng Pussycat Dolls ang pag-awit sa kanyang katutubong wika — ang binanatan lang naman niya, isang hit song ni "Asia's Songbird" Regine Velasquez.
"I’ve always wanted to honor my [Filipino] heritage... This was my first time singing in Tagalog... and I hope you all enjoy it," sabi ni Nicole Scherzinger sa kanyang Instagram post kahapon.
"I really hope that this collaboration makes my Filipino fans proud!"
Isang kolaborasyon kasama ang kababayang si Troy Laureta, napili ni Nicole ang kantang "Pangako" ni Regine, na siyang sinulat naman ni Ogie Alcasid.
Inilabas ang kanta online sa tulong ng ABS-CBN Star Music ilang araw pa lang ang nakalilipas.
"I hope you all enjoy it as much as I loved singing it from all my heart to yours," patuloy ng singer.
Bagama't ipinanganak sa Honolulu, Hawaii, produkto si Nicole ng pagsasama ng Pinoy na si Alfonso Valiente at Hawaiian-Ukranian na si Rosemary Elikolani Frederick.
Dahil diyan, bakas pa rin ang kanyang pagiging Pinay kung titignan ang kanyang tunay na pangalan: Nicole Prescovia Elikolani Valiente.
Taong 2005 nang naging tanyag ang grupo nina Nicole na Pussycat Dolls sa paglabas ng kanilang debut album na "PCD," bagay na nag-anak ng hitsgaya ng "Don't Cha," "Stickwitu," "Buttons," atbp.
Sinundan naman 'yan ng kanilang sophomore album na "Doll Domination" (2018), bagay na lalong nag-solidify sa kanila bilang isa sa best-selling girl groups sa kasaysayan ng mundo.
- Latest