JM de Guzman air force 'reservist' na matapos ang 8 buwang pagsasanay

Litrato ng aktor na si JM de Guzman habang sumasailalim sa walong-buwang pagsasanay para maging reservist ng Philippine Air Force
Mula sa Instagram account ni JM de Guzman

MANILA, Philippines — Isa na namang Filipino celebrity ang nagawaran ng titulong military reservist matapos makumpleto ang ilang buwan ng pagsasanay kasama ang mga sundalo — sa pagkakataong ito, si JM de Guzman naman.

Ito ang inilahad ni JM sa kanyang Instagram post noong linggo, kung saan kinumpirma niyang isa na siyang sarhento ng Philippine Air Force Reserve.

 

 

"Finally after 8 months, i finished my Philippine Air Force, Special Basic Citizen Military Training CL-2020 (lectures, drills, and rigorous simulations and trainings) of Air Force Reserve Command conducted by 1st Air Reserve Center," sambit ng aktor nitong Linggo.

"I learned a lot about myself ,character, and gained a lot of wisdom in this training. My respect higher to our soldiers."

Hindi biro ang pinagdaanan ng aktor at idinetalye pa ang mga paghihirap na pinagdaanan habang nagte-training. Sa ilan niyang litrato, makikitang lubog sa putikan ang kanyang mukha.

Sinundan ni JM ang yapak nina Dingdong Dantes, Gerald Anderson, Ronnie Liang, Matteo Guidicelli at marami pang iba na piniling maging reservist ng kasundaluhan nitong mga nagdaang buwan at taon.

Lagpas isang buwan pa lang din ang nakalilipas nang magsimula ang training ni Baron Geisler para maging bahagi ng Navy reserve force.

May kaugnayan: Baron Geisler magtre-train sa Navy, gumaya sa ibang 'actor-reservists'

"As a reservist Im Ready to serve my country, help those in need of help ,or in the dark (as cliche as it may sound) because i was in need of help before and was also in the dark too. So i know how it feels like," patuloy ni JM.

"Blessed and graced to stand up again and make things right and now its time for me to give back. It will be easier for me to do this with the guidance and support of our astig regular soldiers."

Kaugnay ng kanyang panibagong achievement sa buhay, nagpakitang gilas din ang artista pagdating sa kanyang mga bagong kaalaman sa pamamagitanng pagsali sa kanyang unang gun competition.

 

 

Matatandaang nawala siya pansamantala sa harap ng camera matapos magpa-rehabilitate taong 2015 dahil sa problema sa iligal na droga.

May kaugnayan: JM de Guzman recalls life after rehab

"I was so nervous, I was screaming in the comfort room before I came over," pagbabahagi niya noong 2018 habang ikinekwento ang pagbabalik niya sa mundo ng showbiz. — James Relativo

Show comments