^

PSN Showbiz

John Lloyd, sobrang saya sa pagiging ama

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, sobrang saya sa pagiging ama
John Lloyd

Muli naming nakapanayam si John Lloyd Cruz pagkalipas ng ilang taon para sa programang The Best Talk ng Cinema One.

Matatandaang 2017 nang pansamantalang iwanan ng aktor ang show business. “Nakakaubos ‘yung dine-demand ng ganitong trabaho. And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver ‘yon kasi wala nang bagong laman ‘yung utak mo. Wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time. Kumbaga nakakahiya na lang din na hindi bigyan ng importansya. Gumagawa naman ako panaka-naka, binibigyan naman ako ng mga kaibigan ko ng pwedeng gawin. ‘Yung mga panahon na ‘yon medyo enriching din naman,” makahulugang pahayag ni John Lloyd.

Matagal-tagal ding nanirahan si John Lloyd sa Cebu kung saan nakabase ang pamilya ni Ellen Adarna. Mahigit dalawang taong gulang na ngayon ang anak nina John Lloyd at Ellen na si Elias. Ayon kay John Lloyd ay ibang kaligayahan ang kanyang nararamdaman bilang ama ni Elias. “Wala na yatang mas liligaya pa kapag mayroon kang maliit na anak, na two years old na ang kulit. Wala nang kasing saya, ang lupit, my little savior,” giit niya.

Ginagawa ngayon ni John Lloyd ang Servando Magdamag kung saan muling nakatrabaho ang direktor na si Lav Diaz. Para sa aktor ay maganda talaga ang materyal at kakaibang karanasan sa tuwing nakakatrabaho ang beteranong direktor. “Siguro nandito lang ako sa Servando dahil kay Lav. Kumbaga magmula no’ng tumigil ako sa network job, isa si Lav sa mga hindi huminto nang pagpapasa ng mga pwedeng gawin. Kaya siguro nag-landing din ako sa Servando. That’s always very humbling, kasi ibabalik ka niya doon sa kailangan pang alamin, marami pang kailangang matutunan. Gusto ko ‘yung gano’ng expe­riences,” paglalahad ng aktor.

Iza, guilty na hindi nakasama sa paghahanda ng relief goods para sa mga binagyo

Kamakailan ay maraming artista at iba pang mga kasamahan sa show business na miyembro ng AKTOR ang nagpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Katatapos pa lamang ng lock-in taping ni Iza Calzado para sa tele­seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin kaya hindi nakasama sa paghahanda ng mga ipinamahaging tulong. “I’m really proud of everyone’s hard work. Kalalabas ko lang kasi ng bubble so I wasn’t really able to help out with the packing and a lot of these things. Parang you want to do more pero you can’t. Kasi siyempre we were locked in. So we’re so grateful that so many of our co-Aktor members and even mga volunteers were there. Actually dumaan ako when I got out and I was there and sobrang bilib na bilib ako,” kuwento ni Iza.

Para sa aktres ay mas maganda sana kung personal siyang nakasama o nakatulong sa mga katrabaho habang naghahanda ng relief goods para sa mga kababayang labis na naapektuhan ng bagyo. “Na-feel ko kasi ito, na parang may guilt. But during these times I think, as long as you know you did your best and you really helped another person during a time of struggle, I think that’s really already a good thing. In terms of donation, kahit piso, limang piso, kung anong nakayanan mo ibigay, na pwedeng tinulungan mo maglinis ng bahay or something. I think that’s really already a blessing. I’m telling myself this na parang we shouldn’t feel guilty if we’re not able to do as much as we can. Kasi it can affect us also mentally and emotionally. But of course praying for everybody who was affected by it,” paliwanag ng aktres.

(Reports from JCC)

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with