Pinay sa Miss Earth inaabangan kung susuwertehin

Roxanne Baeyens

Masungkit kaya ng 23-year-old Filipino-Belgian na si Roxanne Baeyens ang panlimang titulo ng Miss Earth para sa bansa sa Nobyembre 29?

Panoorin sa KTX.PH ang pambato ng Pilipinas na makipagtagisan sa 83 pang kandidata mula sa iba’t bansa. Sa halagang P99, mapapanood na ng fans ang pre-pageant na magaganap ngayong Nobyembre 24 (Martes), 9 p.m. at coronation night sa November 29 (Sunday), 10 a.m. sa halagang P199.

Magsisiblbing host nito ang kilalang online personality na si James Deakin. Bigatin naman ang line-up ng judges ng pageant, kabilang na ang Latin American singer at TV host na si Patricia Zabala, ang United Nations Industrial Development Organization president na si Hassan Eltigani Malik, international DJ, model, at singer na si Natalia Barulich, ang world-class violinist na si Iskandar Widjaja, ang women empowerment advocate at social entrepreneur na si Jewel Colmenares Lobaton, at environmental advocate, at pilantropong si Michael Ma.

Isang linggo na lang, maisasara na rin and halos dalawang buwang puno ng online pre-pageant activities.

Bukod sa pagpo-promote ng environmental programs, hangad din mapakita ng Miss Earth ang sari-saring tourist destinations.

Ang KTX.ph ang bagong venue ng lahat ng malalaking events at kasama na sa mga napanood rito ang Jed Madela’s New Normal concert,  JaMill’s  Tayo Hanggang Dulo  K Brosas’ 20k20, Hello Stranger: Finale Fancon, Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience, The House Arrest Of Us, U-Turn at iba pang special exclusive events.

Actually, ang dami na ngayong concert, new series, movies na napapanood, new normal approach, at the comfort of your bedroom, kaya ayos.

Show comments