MANILA, Philippines — Mainit na tinanggap ng mga residente at mga pamahalaang panlalawigan sa Cagayan Valley, Martes, ang vlogger-actress na si Ivana Alawi matapos magbalot at magdala ng mga relief goods sa mga nasalanta ng nagdaang Typhoon Ulysses.
Ilan kasi ang mga nasabing lugar sa pinakamatinding tinamaan ng nasabing bagyo, lalo na nang magpakawala ng maraming tubig ang Magat Dam na siyang naglubog sa mga lugar gaya ng Tuguegarao City.
Repacked and distributed relief goods para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses dito sa Cagayan and Isabela ?? Share the love ???? pic.twitter.com/3g8ubMbwko
— Ivana Alawi (@IvanaAlawi) November 17, 2020
"Repacked and distributed relief goods para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses dito sa Cagayan and Isabela," ayon sa aktres kanina.
"Share the love."
Hindi naman isinapubliko ng Youtube star kung magkano o gaano karami ang tulong na dinala sa mga binayo ng bagyo.
Malugod naman siyang tinanggap ni Cagayan Gov. Manuel Mamba sa kanilang lugar, kung saan na-courtesy call si Ivana matapos mag-donate ng relief goods sa mga nabaha sa lalawigan.
Nag-courtesy call kay Gov. Manuel Mamba ang vlogger na si Ivana Alawi matapos mag-donate ng relief goods para sa mga pamilyang apektado ng baha sa lalawigan.
— News5 (@News5PH) November 17, 2020
????: Cagayan PIO/Francis Jorque pic.twitter.com/SVKpmmnu3f
Una nang sinabi ng Cagayan Provincial Information Office na ito na ang "pinakamalaki at pinakamalawak na baha sa kasaysayan ng probinsya," ayon sa isang pahayag na inilabas noong ika-14 ng Nobyembre.
Basahin: Probinsya ng Cagayan 'state of calamity' na dahil sa Typhoon Ulysses
Umabot na sa 73 ang namamatay sa buong Pilipinas bunsod ng nasabing bagyo. Karamihan dito ay sa Region II, kung saan matatagpuan ang Cagayan at Isabela:
- Region II (24)
- Region III (6)
- CALABARZON (17)
- Region V (8)
- Cordillera Administrative Region (10)
- National Capital Region (8)
Sugatan naman ang 24 pang katao habang 19 pa ang nawawala.
"An estimated P2,715,299,906.00 worth of damage to agriculture was incurred in Regions I, II, III, CALABARZON, V, CAR and NCR," ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Maliban pa 'yan sa higit P5.3 bilyong pinsala na tinamo ng walong rehiyon sa bansa sa sektor ng imprastruktura.
Una nang inirekomenda ng NDRRMC na ilagay na ang buong isla ng Luzon sa state of calamity. Gayunpaman, hindi pa ito napagdedesisyunan nang tuluyan ng gobyerno.