MANILA, Philippines — Tutulong na ang Kapuso Mo Jessica Soho sa paghahanap ng daddy ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na iniwan siya nung five years old lang siya.
Kahit lumaking walang ama, walang tono ng bitterness ang bagong beauty queen nang mag-open siya tungkol dito. Ang gusto lang niya ay mahanap at malaman kung ok ba ito sa kasalukuyan. “My dad’s name po is Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi and alam ko po ‘yung birthday niya is May 22. And the last time I heard is he’s in Chicago with his family. Kasama niya ang mother niya, ang dad niya, ’yung dalawa niyang sibling, si Tito Rizmon and si Tito Imran,” sabi ni Rabiya kay Ms. Jessica Soho nang sabihin ng host na puwede siyang manawagan at baka makatulong ang programa para nga mahanap ito.
Positive ang bagong beauty queen ngayong Miss U PH na siya na magkikita na sila na sinubukan niya ring hanapin sa social media sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga message sa mga kaapelyido nito. “I tried my best to look for him pero wala po talaga eh. Pero hindi ko alam. Ramdam ko kasi na deep down in my heart na one of these days magkikita kami ni daddy .”
Dagdag niya ; “And with Miss Universe nga, sabi ko thank you talaga Lord kasi binigay mo ’to sa akin, kasi hindi lang mai-improve ang life ng family ko sa Iloilo, pero pati chance ko na rin ’to para ma-reconnect sa biological dad ko.
“And so sana, sana talaga through KMJS makita niya at malaman niya ’yong anak niya na Miss Universe Philippines na,” sabi pa ni Rabiya.
American citizen ang ama niya na kailangan lang daw mag-take ng licensure exam for medicine sa US pero hindi na ito bumalik.
Nung umpisa naman daw ay nagpapadala ito ng financial support, pero bigla itong natigil kaya ang mama na niya ang bumuhay sa kanya at isang kapatid niya na pinanghihinayangan niya kasi kung kasama nila sana raw ang daddy niya baka hindi nila naranasang maghirap hanggang sa kanilang pag-aaral.
Pero nagsilbi naman daw ‘yung motivation sa kanya para mas magpursigi siya sa kanyang mga ambisyon.
Well, magaling ang KMJS sa mga ganitong kuwento kaya siguradong magkikita na rin si Rabiya at daddy niya.
Samantala, nag-e-expect naman ang beauty queen ng tangible programs and solution to help the people dahil pakiramdam niya ay overused na ang resiliency. “Yung resiliency, parang overused siya to the point na sometimes we don’t look at the problems to find the solution, and we just tell other people na all we need to do is have a positive mindset and we’re gonna overcome this.
“But where are the tangible programs to help the people being affected by such situations? So yes, iba ‘pag may positive outlook but again, kailangan natin magkaroon ng tangible and visible solutions. Hindi tayo mag-lelearn, hindi natin mapapabuti yung community natin if puro resiliency na lang,” ang kumpletong pahayag niya kay Ms. Jessica na nag-viral agad.
Tinanong kasi siya ni Madam Jessica kung hanggang ang pagiging resilient na lang ba idadaaan ang lahat?
Nauna nang nagsalita si Nadine Lustre tungkol sa issue ng resiliency ng mga Pinoy na nagagamit para magtakpan ang totoong mga issue ng bayan.