^

PSN Showbiz

Direktor, feeling hari sa dating hawak na programa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kaliwa’t kanang kuwento na ang naglulutangan ngayon tungkol sa isang tagapamuno ng isang programa na umalis na at lumundag sa ibang kampo.

Hindi kagandahan ang mga kuwento tungkol sa kanya. Maging ang mga taga-produksiyon na nakatrabaho niya nu’ng mga nakaraang taon ay meron ding sentimyento sa direktor.

Kuwento ng aming source, “Yumabang naman kasi siya. Feeling niya, porke mataas na executive ng network ang karelasyon niya, e, puwedeng-puwede na siyang magpalutang ng kayabangan.

“Kapag mainit ang ulo niya at hindi nasunod ang gusto niya, sa konting mali lang ng mga taong under sa kanya, e, nagwawala na siya! May sinipa na siyang mga cameramen.

“Matulis ang dila niya, masyadong masakit siyang magsalita, para bang napaka-perfect na niya!” umpisang kuwento ng aming source.

Sa programang pinagharian niya nang mahigit na isang dekada ay lutang na lutang din ang mga negatibong kuwento tungkol sa lumundag na “kapitan” ng kanilang barko.

Patuloy ng aming source, “Napakalayo ng ugali niya sa isang sikat na direktor na marespeto sa mga artista at production people. Kaya naman maraming nagmamahal kay direk.

“Nakakaloka siya, ha? Kapag umuupong judge ‘yun sa mga pa-contest ng show, e, nanini­ngil pa siya ng talent fee! Iba ang TF niya bilang director ng show, iba pa ang TF niya sa pagiging hurado!

“Palagi niyang ipinagsisiksikan ang sarili niya bilang judge, mahilig kasi siya sa exposure, gustung-gusto niyang tinututukan siya ng mga camera at hindi nakaupo lang sa booth para ayusin ang pagdidirek niya!

“Guwapo raw kasi siya, kamukha raw niya ang isang sikat na international actor, kaya kahit dapat, e, nagdidirek siya, bumababa siya sa floor para matutukan siya ng mga camera!

“E, nakatapat siya ng isa pang mayabang, nag-uumpugan ang kahambugan nilang dalawa, nagpa-power trip silang pareho, kaya galit na galit siya!

“Nasaan na ngayon ang palagi niyang isinisigaw na walang iwanan hanggang sa dulo ng laban? Walis na, dahil nararamdaman niyang pabangkarote na ang network na tumupad sa mga pangarap niya! Nasaan na ang kanilang sumpaan ng grupo?

“At gusto pa niyang idirek ang isang show na katapat mismo ng tinalikuran niyang programa? Nasaan naman ang prinsipyo niya?” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Angel binigyan ng importansya ang mga magsasaka

Napakalapit sa aming puso ng tinalakay na paksa ni Angel Locsin sa kanyang programang Iba Yan! nu’ng Linggo nang gabi.

Pagbubukid. Ang napapabayaang sektor ng ating lipunan, ang mundo ng mga magsasaka na nagpapakain sa buong bayan nang tatlong beses sa isang araw, ang pagtatanim ng palay at mga gulay na kadalasan ay utang lang ang ipinupuhunan.

Pamilyar kami sa Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija. Nagpupunta kami ru’n nu’ng bata pa kami para manghuli ng gagamba kasama ang aming mga pinsan. Ang Licab, na katabing-katabi lang ng bayan ng Quezon na nakakasakop sa aming nayon ng Visoria, ang unang bayan ng Nueva Ecija na dadatnan kung manggagaling kayo sa Victoria, Tarlac.

Napakahirap ng buhay ng magsasaka, sumesenyal pa lang ang pagdating ng ulan ay panay-panay na ang kanilang dasal para maisalba ang kanilang mga pananim, paano pa kapag may bagyo?

Malinaw na nailahad ni Angel ang pangunahing problema ng mga magsasaka. Mula sa inutang na puhunan hanggang sa pamumulaklak ng kanilang mga pananim hanggang sa pagbebenta ng kanilang mga produkto na kadalasan ay binabarat pa ng mga biyahero.

Nagpaandar pa ng rotovator si Angel para sa paglilinang ng lupang taniman, niregaluhan niya ng kambing ang isang magsasaka, nagbigay naman siya ng laptop para sa mga anak ng isang magsasakang kapos na kapos sa buhay.

Punumpuno ng impormasyon ang kanyang episode, nandu’n ang kanyang malasakit sa mga magsasakang pinagmumulan ng pagkaing ikinabubuhay natin, ‘yun sana ang gamiting ehemplo ng mga guro sa ipinamamahagi nilang mo­dules sa kanilang mga estudyante at hindi ang pambabastos na body shaming.

Ang tulad ni Angel Locsin na mapuso sa ating mga kababayan ang dapat na ginagawang halimbawa, may paggalang sa ating mga manggagawa, hindi namimili ng estado ng kanyang mga tinutulungan sa kanyang kapasidad.

‘Yun ang makataong paraan, hindi ang pagpapalaganap ng kawalan ng respeto sa mga mag-aaral, puso dapat ang binibigyan ng timbang at hindi ang pisikal na anyo ng kahit sino.

PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with