KC Concepcion nagdisenyo ng alahas para sa 'Ulysses' relief efforts
MANILA, Philippines — Bilang tulong sa mga nasalanta ng nagdaang Typhoon Ulysses, bagay na labis namerwisyo sa Cagayan Valley, National Capital Region (NCR), CALABARZON atbp. pang lugar nitong nagdaang linggo, magbebenta ang aktres na si KC Concepcion ng ilang alahas — bagay na personal niyang dinisensyo.
Aniya, maaari na itong bilhin simula ngayon, bagay na nagkakahalaga ng mula P14,000 hanggang P18,000.
Ang perang malilikom mula rito ay gagamitin hindi lang para sa relief efforts sa mga epektadong lugar, ngunit pati na rin ang pagsaklolo sa mga biktima.
"I’m selling ready-made, handcrafted @avecmoijewelry pieces (it usually takes 4 weeks made-to-order), designed by yours truly, for the IMMEDIATE RESCUE & RELIEF efforts in Cagayan, Northern Philippines," ani KC sa Instagram, Linggo.
"They will be available to serious buyers on Tuesday, November 17th."
Aniya, marami pang detalye na ilalabas hinggil dito sa mga susunod na araw.
Ang mga naturang alahas, na may brand name na "Avec Moi Jewelry," ay may mga koleksyong naglalaman ng mga kwintas at singsing — bagay na taong 2018 pa ipinasilip sa social media ng anak ni "Megastar" Sharon Cuneta.
Luzon-wide 'state of calamity'?
Sa huling taya ng and Management Council (NDRRMC), Lunes, umabot na sa 67 ang namamatay kaugnay ng nasabing bagyo.
Karamihan sa mga namatay ay nagmula sa Region II, kung saan naroon ang probinsya ng Cagayan na labis nilubog ng baha matapos magpakawala ng maraming tubig ng Magat dam bunsod ng bagyo.
Umabot na sa 2.07 milyon ang populasyon na naapektuhan ng nasabing bagyo ayon sa NDRRMC, kung saan 13 katao ang nawawala pa rin at 21 ang sugatan.
Nagtamo rin ng P2.15 bilyong pinsala ang sektor ng agrikultura dahil sa sama ng panahon, maliban pa sa P482.85 milyon sa imprastruktura.
Dahil sa patung-patong na epekto ng sunud-sunod na bagyong "Quinta," "Rolly" at "Ulysses," inirerekomenda na ng NDRRMC kahapon ang paglalagay ng buong Luzon sa "state of calamity."
"It was approved during the meeting the recommendation for President Rodrigo Duterte to place under state of calamity the entire Luzon to address the impacts of the latest typhoons that hit the country," ayon sa NDRRMC.
"Among other matters discussed were the provision of assistance to the affected farmers and fisher folk; road clearing; shelter requirements; and other recovery interventions."
- Latest