Gina Lopez nag-trending sa throwback post

Gina
STAR/ File

Si the late and former Department of Environment and Natural Resources Sec. Gina Lopez ang naalala ng lahat sa grabeng pagbaha sa maraming lugar sa bansa dahil sa bagyong Ulysses.

Kasabay kasi nito ang pag-viral since the other night ng post ni Ms. Gina na nanawagan ng reforestation sa Marikina Watershed noong 2017. Three years ago nang i-post niya ang aerial shots para sa programang G Diaries kung saan niya nakita ang matinding problema ng watershed sa Marikina na bahagi ng bundok ng Siera Madre. “I’m currently in a shoot for the second season of G Diaries. Our first episode, which will air this December will be on the Pasig River.

So, we took aerial shots of the Pasig River... But I also wanted to visit the Marikina Watershed because many people say it needs to be reforested. It is important that we rehabilitate this watershed because it is the first line of defense of Marikina, Quezon City, Antipolo, Pasig, Cainta, San Mateo, etc., against rainwater surging from the uplands of Luzon. So these are photos I took near the Marikina Watershed...THAT QUARRYING IS ILLEGAL BECAUSE IT IS IN A WATERSHED!!!!!! IT SHOULD NOT BE THERE BECAUSE IT WILL CAUSE FLOODING IN METRO MANILA!!!!!! I was shocked to see it... As long as there is quarrying there and the Marikina Watershed is denuded, the Pasig River water will be brown!! And it will become more and more shallow - and it will cause flooding in Metro Manila! It is imperative that the Marikina Watershed is reforested!!!!!,” ang buong post ni Madam Gina noon na wala pang nakakaalam na may sakit pala.

At nangyari na nga sa nakalipas na bagyong Ulysses ang kanyang mga sinabi.

Animo’y nilamon ng tubig ang maraming lugar sa Marikina, Rizal, at ilan pang kalapit probinsiya nito pati na rin ang buong Tugeugarao kung saan 90% daw ng lugar ang binaha at halos wala ka nang makitang lupa.

Mas malupit nga raw ito sa bagyong Ondoy na puminsala ng bilyones dahil diretso na agad ang tubig sa kabahayan dahil nga kalbo na ang mga kabundukan at wala nang pumuprotekta sa mga watershed.

Maalalang hindi nakalusot sa Commission on Appointments si Ms. Gina bilang DENR secretary.

Trending kahapon si Ms. Gina dahil dito.

Samantala, marami na ring celebrities kahapon ang tumulong sa social media para sa Cagayan na nakaka-shock ang mga naglabasang video at photos.

Isang malaking dagat ang makikita kung saan literal na wala ka na ngang makikitang lupa sa mga nasabing video.

Massive as in parang hindi ma-imagine na parang sa pelikula lang dati napapanood.

Hindi agad nagkaroon ng updates dito kung saan umabot diumano sa 15 ft ang lalim ng tubig at marami raw ang nalunod at nakuryente.

Dasal talaga ang kailangan at siyempre, kung kayang tumulong tulong tayo.

Aside from Ms. Gina, nag-trend din ang #Grabe2020.

Quota na nga naman sa mga grabeng pangyayari sa taong ito ang mga Pinoy.

May Taal eruptions, pandemic, maraming bagyo, ang ABS-CBN closure, etc. na ikinawiwindang na ng mga kababayan natin.

Dasal ng lahat na pagpasok ng December, wala nang mga ganitong pangyayari.

BL series ng Regal, naka-5 milyon views na

Wow talagang may regular viewers na sa Boys’ Love series.

Kahapon ay nagpasalamat si Ms. Roselle Monteverde dahil umabot na sa five million views ang BL series nila na Ben X Jim na napapanood sa Regal Entertainment Youtube Channel.

Starring sa series sina Teejay Marquez and Jerome Ponce.

Show comments