Muling paglipad ng Ibong Adarna, kinalkal ni Jeff Canoy
Ibabahagi ng premyadong dokumentarista na si Jeff Canoy ang kuwento sa likod ng muling paglipad ng klasikong pelikula na Ibong Adarna, at ang pagsisikap noon ng isa sa mga bida nitong si Mila Del Sol na protektahan ang industriya, ngayong Linggo (Nobyembre 15) sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel.
Mula sa ABS-CBN DocuCentral, sisilipin ng Ang Pagbabalik ng Ibong Adarna ang kasaysayan ng pelikula sa bansa at ang laban upang buhayin at pangalagaan ang mga ito para sa mga susunod na henerasyon.
Tampok dito ang pelikulang Ibong Adarna, na isa sa anim na naisalbang pelikulang Pilipinong gawa bago ang giyera. Ito rin ang unang pelikula rito na gumamit bahagya ng kulay. Napanood ang remastered version ng “magical movie adventure” na ito kamakailan lang sa Facebook page ng ABS-CBN Film Restoration, na siyang nanguna sa pagsasalba rito katuwang ang LVN Pictures Inc.
Susundan din ni Jeff sa dokumentaryo ang istorya ni Mila, ang isa sa mga reyna ng pelikula noong golden age of Philippine Cinema at masugid na nagpo-protekta sa industrya. Pumanaw si Mila kamakailan lang sa edad na 97.
Sa patuloy na pagdiriwang ng bansa sa ika-100 taon ng pelikulang Pilipino, mas kilalanin pa ang isa sa mga kayamanang hatid nito.
- Latest