Snooky umaming naging bipolar uli!
Alam mo, Ateng Salve, ‘katuwa lang ang mga taong katulad ni Snooky Serna na open sa lahat ng mga bagay tungkol sa kanya.
Kahit pagdating sa kanyang mental health, open si Snooky.
Sa interview sa kanya ni former Senator Jinggoy Estrada the other night sa JingFlix sa Facebook page ng actor/politician, obvious na nagulat ito sa binanggit ng premyadong aktres na simula nang mag-lockdown noong buwan ng March dahil sa COVID-19 pandemic ay umandar na naman ang pagiging bipolar niya.
Pero sabi naman ni Snooky, ngayong buwan naman ng November ay ok na siya.
Actually, naikuwento sa akin ni Snooky ang dahilan ng pagka-“praning” niya ng ilang buwan, pero personal na kuwentuhan ‘yon, kaya ayoko naman siyang pangunahan tungkol doon.
Pero ang maganda nga, ok na ok na siya.
Positive rin si Snooky na sa kabila ng pandemya at natural disasters na nangyayari sa ating kapaligiran ngayon ay may magandang bukas pa rin na naghihintay sa ating lahat.
Ganoon lang naman talaga, Ateng Salve, hindi tayo dapat mag-give-up kahit pa maraming mga pagsubok na dumarating sa ating mga buhay!
Sabi nga, sa isang bagay lang tayo dapat maging NEGATIVE ngayong pandemic, ‘yun ay sa COVID-19!
Anyway, malapit na nga palang simulan ng GMA 7 ang pagpapalabas uli ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kung saan ay tapos na silang nakapag-lock-in taping ng kapwa niya Regal Baby na si Dina Bonnevie, na isa sa maituturing na close niya sa showbiz!
Mga artista, natutuwam‘ pag nakakalabas ng ‘bubble’
Sa November 21 daw ang start ng lock-in taping ng First Yaya na pagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Sabi ng taong tinanong ko, hanggang December 7 daw ang first lock-in taping.
Nagkaroon daw ng changes sa original schedule ng lock-in taping at na-move dahil sa availability ng location nila.
Kundi nga raw bukas ay sa Tuesday ang COVID-19 swab testing ng mga artista ng nasabing serye.
Maraming TV and movie projects ang ilang beses nagla-lock-in taping.
Hindi raw puwedeng tuloy-tuloy para makauwi pa rin sa mga mahal nila sa buhay ang mga artista, staff at crew.
Ilang mga artistang nakapag-lock-in taping na rin ang pabor sa ganoon dahil nakakaramdam din daw sila ng pagkainip kapag tuluy-tuloy ang trabaho at hindi sila nakakalabas ng “bubble”.
Well… ‘Yun na!
- Latest