YeY, magtuturo at may palaro ngayong National Children’s Month

Mas pinasaya pa ng YeY ang National Children’s Month dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ipalalabas nito sa watch parties ang mga never-before-seen episodes ng Team YeY’s Sunday Funday sa Facebook page nito tuwing Linggo, simula noong Nobyembre 8.

Sa apat na Linggo ng Nobyembre, itatampok ng YeY ang mga bagong episodes ng Team YeY na exclusive for digital release sa Facebook at YouTube.

Magkakaroon din ito ng playlist sa ABS-CBN kids’ website na justlovekids.abs-cbn.com.

Bago mag-lockdown, kinunan ang mga episode na nagtatampok ng mga masasayang activities na hitik din sa aral—mula sa sports, fun games, at pagkilala ng bagong kultura.

Noong Nobyembre  8 at itinampok ang mga laro na gumagamit ng Balls and Hoops. Korean culture naman ang matututunan ngayong Nobyembre  15. Playing cards ang highlight sa Nobyembre 22. Sa huling linggo ng Nobyembre, hatid ng barkada ang samu’t saring laro o halo-halo games.

Sa pagsasara ng selebrasyon, magkakaroon ng live meet and greet online ang Team YeY cast members sa YeY Chat.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Team YeY at sa Sunday Funday watch parties, i-follow lamang ang @YeYChannel sa Facebook at mag-subscribe na rin sa official YouTube channel nito.

Show comments