Jericho at misis na si Kim nag-surfboard para tumulong sa pagre-rescue

Jericho at Kim
STAR/ File

Mabilis namang kumilos si Jericho Rosales at misis niyang si Kim Jones kahapon nang paggising nila ay ang nakakawindang na kalagayan ng maraming ka-village nila ang kanilang nakita.

Gumamit ang mag-asawa ng surfboards para tulungan ang rescuers.  “This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard.

“Okay naman ‘yung mga napuntahan namin sa bahay, safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats,” banggit ng actor sa interview ng ABS-CBN.

Ginawa na actually ito noon ni Jericho, nang magkaroon ng Ondoy na halos ganito rin ang naging epekto sa maraming lugar sa Metro Manila.

Pero para sa aktor, parang mas malala itong Ulysses kesa Ondoy.

“Kasi parang paggising ng mga tao, napuyat sila kagabi, paggising nila ganyan na. Maraming taong hindi nakaalis. Based on sa nangyari na before tapos caught by surprise na naman tayo na ganito, I think in that sense medyo mas malala ito,” dagdag niya pa sa ABS-CBN.com.

Bukod kay Jericho, naalala rin sa Ulysses na nag-speedboat noon si Ri­chard Gutierrez sa Marikina para i-rescue si Cristine Reyes na na-trap din noon sa bubu­ngan ng kanilang bahay.

Angel nauna uli sa panghihingi ng tulong

Nauna na naman si Angel Locsin sa panghihingi ng tulong para sa mga nabiktima ng matinding bagyo.

“My heart bleeds for those heavily affected by these typhoons #RollyPh & #UlyssesPh. Praying that you, your loved ones, and colleagues are safe and secure. Our resilience will always be greater than any calamity! Alagaan natin ang isa’t isa. Keep safe mga kababayan ko.

“For those who want to do something for the casualties of typhoon #UlyssesPh, you can help and stay in the safety of your home.

1. Check social media for those who needed rescuing.

2. Help them contact #RescuePH

@redcross , etc.  3. Donate.”

Pinasalamatan naman agad si Angel ni  Red Cross chair Sen. Ri­chard Gordon.

Wala naman sa bansa ang ambassador ng Red Cross na si former Miss Universe Catriona Gray. Kasalukuyan itong nasa Colombia para mag-judge ng Miss Universe Colombia 2020.

Dasal naman ang handog ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano. “Lord...you know what’s in our hearts for all these people who are struggling and have lost so much. Now that the rain has weakened, strengthen Your reign upon this calamity.

#marikina #ulyssesph”

PPP, may passes pa rin

May passes din naman pala kahit digital ang ginaganap na Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philipines (FDCP).

May nakalagay ding admit one at premium na parang passes talaga sa sinehan. Di ko pa na –try gamitin kung admit one nga kasi baka naman puwedeng may kasama habang nanonood ako eh bilang wala namang maninita. Hehehe.

But anyway, nakakabilib ang effort ng FDCP na sa kabila ng lahat ay itinuloy nila ang 4th PPP na nag-start noong October 31 na sinimulan sa pagpapalabas ng 80 short films featuring the 12 finalists of the CineMarya Women’s Short Film, 63 titles from 21 regional film festivals, and five Sine Kabataan   together with the free Special Screening of Anak Dalita by National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana. Magkakaroon din sila ng Main Feature Film Showcase from November 20 to December 13, 2020.

For updates and more information, visit the FDCP Channel (fdcpchannel.ph) kung saan napapanood din ang lahat ng pelikulang kasali rito.

Show comments