^

PSN Showbiz

Jay sonza ‘di sumipot sa NBI

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jay sonza ‘di sumipot sa NBI
Jay
STAR/ File

Hindi pala sumipot ang former broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division  para ipahayag ang kanyang side sa kasong cyber libel na isinampa ni Julia Barretto.

Dapat daw ay last week pa ito pumunta sa NBI pero hindi nga raw nagpakita.

Maraming pumuri kay Julia nang tuluyan nitong kasuhan si Mr. Sonza matapos nga itong magsulat na kanyang Facebook page ng isang malaking fake news na buntis daw si Julia courtesy of Gerald Anderson.

Mabilis nga siyang sinagot ng ‘fake news’ kaya binura at nag-retract si Mr. Sonza.

Pero huli na ang lahat. Kumalat na ‘yun.

Pag napatunayang guilty sa cyber libel ang isang kinasuhan nito ay puwedeng makulong ng six years, but bailable, so habang inaapela raw ito, puwedeng out of jail ang salarin.

Mas kilala ang batas na ito sa bansa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nauna nang sinabi ni Julia sa interview ng ABS-CBN na “I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my fa­mily. I don’t want to take this matter lightly.*

Lately ay hindi na visible sa Facebook ang account ni Mr. Sonza na dati ay active sa pagbibigay ng opinion sa mga pangyayari sa kapaligiran.

Wala namang update kung ano development sa inihain ni Liza Soberano na e-libel charges laban sa isang empleyado ng internet service provider.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with