Balik-fresh episodes na rin ang award-winning travel and adventure program na Biyahe ni Drew (BND) simula ngayong Biyernes (November 13).
Ilang buwan na ring natigil muna sa bahay ang biyaheros! Pero ngayong balik na ang karamihan sa bansa sa GCQ (General Community Quarantine), puwede na ring bumiyahe sa wakas—siyempre nang may pag-iingat.
Para sa unang Biyahe ni Drew post-ECQ, travel with a purpose ang tema ng programa sa Doña Remedios Trinidad o DRT sa Bulacan.
Bago ang lahat, titiyakin ni Drew at ng BND Team na susunod sila sa safety protocols. Hindi pa rin nawawala ang COVID-19 kaya doble ingat pa rin dapat sa biyahe.
Ang DRT o Doña Remedios Trinidad sa Bulacan ay halos 2 oras lang mula sa Metro Manila pero may promise of adventure! Dito, first time mapupuntahan ni Drew ang Thirteen Falls na ipinagmamalaki ng Barangay Camachin. Ang pagpunta rito ay may kaunting lakad at mayroon ding konting sakay sa 4x4—kaya the best of both worlds, ika nga.
Sa Sitio Armstrong naman, may bagong destinasyon para sa mahihilig sa caving. At sa Kabayunan, masisilayan ang pamosong Sea of Clouds.
Biyahe na ulit with extra ingat sa Biyahe ni Drew, tuwing Biyernes, 9:15 p.m. sa GMA News TV!