Julia, sa resort ni Gerald umamoy-amoy ng bulaklak

Julia

Confirmed sa mga post nila na sa resort nga ni Gerald Anderson umaamoy-amoy ng bulaklak si Julia Barretto last October - “My flowers growing beautifully”.

Kita ang bahay-kubo sa background ni Julia sa latest upload ng resort ng actor na Hayati Private Resort.

Ang mga nasabing bahay-kubo ang ilan sa mga private room sa Hayati na pag-aari ng aktor.

Maraming masaya para sa dalawa pero meron din namang disappointed dahil naniwala sila sa denial nina Gerald and Julia, ‘yun pala sila naman daw talaga ayon sa mga comment ng followers nila.

Ahh kung sabagay prerogative naman nila ‘yun kung ayaw nilang umamin or baka naman friends lang talaga sila at nag-chill lang si Julia with her fami­ly  sa Zambales kung saan andun ang property ng ex ni Bea Alonzo.

Allowed na ang staycation kaya I’m sure marami na ring pumapasyal sa resort ng actor na bidang-bida noong Halloween.

Nauna nang sinabi ni Julia sa isang interview na in love siya.

Last March naman ay may insinuation siyang nag-birthday with ‘a loved one’ pero hindi naman niya sinabi kung sino.

Actually, isang source ang consistent sa kanyang chika na sina Julia and Gerald naman daw talaga at never silang nag-split at dumadalaw pa nga diumano ang actor kay Julia sa new house nito kung saan living alone ang actress noong panahon ng lockdown.

Well, wala namang masama kung sila na nga at ayaw nilang umamin.

Though buhay na buhay pa rin ang issue ng ghosting sa kanila bilang madalas pa rin itong nauungkat ‘pag nakikita si Bea.

Si Joshua Garcia ang last boyfriend ni Julia at friends na uli sila ngayon.

Wala namang update kung anong nangyari sa complaint ni Julia tungkol kay Jay Sonza na ipinagkalat na nabuntis siya diumano ng actor na wala namang katotohanan.

Maaalalang nagpunta ng NBI si Julia last September para nga kasuhan ng cyber libel ang former broadcaster.

Caroling bawal, pagkanta nang malakas nakakahawa

Ibang-iba talaga ang Pasko ngayon lalo na sa mga bata na naghihintay ng ganitong panahon para magkaroon ng extra money.

Bawal na ang caroling.

Nagpaalala na ang Department of Health na iwasan muna ang caroling ngayong holiday season dahil may chance na makahawa ng coronavirus ang pagkanta nang malakas.

Wala pa namang clear guidelines kung tuluyan na nga bang iba-ban ang caroling - house to house o sa mga street - pero may research daw sabi ng DOH na puwedeng makahawa ang pagkanta nang malakas para dumami pa ang cases ng coronavirus sa Pilipinas na konti na lang ay 400,000 na.

Bukod dito, marami pang ibang bawal ngayong Pasko - buffet setup, karaoke, big gathering, etc. etc. As in meron na ngayong guidelines sa Christmas celebration.

And of course, ang isang siyempre tiyak na mami-miss ay ang Metro Manila Film Festival 2020 na digital edition this year.

 

Show comments