Carlo nagkaroon ng patience dahil sa anak

“Parang mas patient na ako,” sagot kahapon ni Carlo Aquino kung ano ang nabago sa kanya simula nang maging ama.
Aminado ang aktor na dati ay mabilis siyang mainip pero ngayon daw kasi lalo na pag nag-aalaga siya ng bata, like kung umiiyak ay hindi naman daw basta-basta mo mapapatigil ‘yun. “Pag may baby ka, hindi naman siya titigil habang umiiyak kung pipilitin mo,” sabi ng aktor kahapon sa virtual media conference ng bagong teleserye niya for Kapamilya Channel , iWant TFC and A2Z Channel 11 with Erich Gonzales, JC de Vera, Sofia Andres, Kith Thompson among others na magsisimula na sa November 14.
Last September lang nanganak ang girlfriend ni Carlo si Trina Candaza at ipinakilala niya ang baby nila thru social media na si Enola Mithi Aquino.
- Latest