I owe this to Kris Aquino.
Nalungkot ako na para bang galit na galit si Cristy Fermin at halos maiyak sa radyo noong isang araw dahil nga feeling niya, second time na nagawa ni Kris na ilaglag ang kasama namin. First, si Wendell Alvarez, now si Mr. Fu.
Hindi ko alam kung paano ang naging atake kay Cristy ng paliwanag ko na hindi comfortable si Kris kay Mr. Fu kaya may grace period muna siya na four episodes.
Nu’ng Tuesday, ginawa pa naming running joke iyon, na trial lang si Mr. Fu at hindi siya kilala ni Kris.
Dun ko nga napatunayan kung gaano kataas ang EQ ni Mr. Fu dahil tanggap niya ang sinabi ni Kris.
Tawanan kami na naghiwalay nu’ng Tuesday, dahil nga ayaw namin ng swabbing at technical run.
All was alright. Hanggang tumawag si Salve na ayaw nang gawin ni Cristy ang talk show.
I respect at hanga ako sa stand ni Cristy dahil totoo naman na balewala ang extra income kung hindi ka maligaya sa ginagawa at gagawin mo.
Lahat tried to persuade Cristy dahil sa Sunday na ito, pero firm siya dahil nga medyo mabigat na feeling niya kay Kris.
Ako tuloy ang medyo naguluhan, kasi tawa nang tawa si Mr. Fu taking everything in stride. Ako, okay lang, dahil nga feeling ko ay pinagbigyan naman lahat ng gusto namin, so, why not?
Si Cristy ang medyo malungkot ako dahil nga baka hindi naging maganda ang latag ko sa case ni Mr. Fu kaya ganun ang naging galit niya.
In fairness kay Kris, ang unang plano is for her to have a solo talk show. Naisip niya lang na maganda na nandu’n kami ni Cristy for the banter and repartee, at maganda naman ang explanation niya na hindi siya comfortable kay Mr. Fu dahil hindi niya ito masyadong kilala.
On my part, gusto ko namang malaman ng grupo ang lahat, para nga pagkatapos ng four episodes at gusto ni Kris na kaming tatlo na lang, alam din nila why.
Ayaw ko lang magkaroon ng ill feelings si Cristy kay Kris kung hindi masyadong nakuha ang explanation ko, kasi, show lang iyan, hindi dapat pagmulan ng samaan ng loob.
Kung hindi ngayon, baka someday, at sana, huwag nang isipin na victim si Mr. Fu, dahil siya mismo ay pinagtatawanan ang mga pangyayari.
Sana with or without this show, mabalik iyong relasyon na hindi naman dapat apektado.
Show lang iyan, huwag nang pagmulan ng tampuhan.
Good luck sa Sunday, Kris, watch namin ‘yan.
Hahaha, masyado nang naging drama. Dapat comedy lang.