^

PSN Showbiz

Nora, hinihintay kung makakalusot na sa national artist

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Nora, hinihintay kung makakalusot na sa national artist
Nora
STAR/ File

May pumuna, bakit nga raw ba sa kabila ng tila napakalakas ng public clamor na isama si Congresswoman Vilma Santos sa hanay ng mga national artists ay tila walang naririnig ang CCP at NCCA? Doon sa kanilang inilabas na listahan, ang sinasabi nilang posibleng idagdag sa kanilang mga nominees ay ang dalawang yumaong actor na sina Eddie Garcia at Ramon Revilla.

Siyempre nasa listahan pa rin si Nora Aunor, dahil sinasabi nga nilang “automatic” na iyon dahil ni-reject nga siya nang dalawang ulit ng magkasunod na presidente. Bukod kay Vilma, hindi pa rin considered si Mang Dolphy na napakalaki rin ng kontribusyon sa industriya ng pelikula, pero ni-reject naman ng committee noon dahil sa mga pelikulang ginawa niya na may characters na bakla na hindi yata nila nagustuhan. Maraming pro-LGBT noon sa committee.

Ang national artist title, ay isang award ng CCP at NCCA, iyon nga lang ang pagbibigay ay sa pamamagitan ng isang executive order ng presidente ng Pilipinas. Ang presidente ng Pilipinas naman ay maaaring mag-reject, pero hindi maaaring magdagdag sa nominees. Iyan ang ginawang ruling ng Korte Suprema noong panahon ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo, noong magdagdag siya ng apat na national artists na hindi nagmula sa nominating committee.

Pero sinupalpal ng noon ay presidente Noynoy Aquino ang committee nang tanggihan niyang ideklarang national artist si Nora Aunor, dahil sa mga dahilang siya lamang ang nakakaalam. Inulit nila ang nomination ni Nora, dahil sabi nila automatic na raw iyon dahil sinupalpal nga lang noong una. Pero sa ikalawang pagkakataon ay nasupalpal pa rin iyon ni Presidente Digong.

May ispekulasyon na ayaw daw ni Presidente Digong dahil nagkaroon ng kaso kaugnay ng droga si Nora sa US, pero walang ganoong sinabi ang Malacañang, maliban sa sinabi nilang iyan ay “president’s prerogative.”

May nagsasabi na si Vilma Santos ay hindi makakasama riyan sa listahan nila hanggang hindi nila nailulusot si Nora Aunor. Mukhang hindi pa rin nila ma-get over ang Nora-Vilma politics. Isa pa, siguro iniisip nila na sobra na rin naman dahil si Vilma ay binigyan ni Presidente Noynoy ng pinakamataas na award para sa isang civil servant, na kung iisipin mas mataas kaysa sa national artist.

Kagaya rin naman si Mang Dolphy na binigyan rin ni Presidente Noynoy ng pinakamataas na pagkilala sa isang civilian na may nagawa para sa bayan, na mas mataas ding pagkilala kaysa sa national artist. Wala naman silang masasabi riyan dahil “president’s prerogative” nga ang mga parangal na iyan.

Kobe, dinepensa ng nanay sa bashers

Ipinagtanggol ni Jackie Forster ang kanyang anak na si Kobe Paras laban sa isang basher na nagsabing wala raw kasing tiyaga ang anak kaya walang nangyari sa ambisyong makapaglaro sa NBA. Sabi lang naman ni Jackie, hindi masasabi ng kahit na sino man na walang tiyaga ang kanyang anak, dahil ginawa rin naman noon ang lahat ng kanyang makakaya.

Kung kami naman ang tatanungin, ano nga ba ang karangalan ng mga Pilipino kung nakapaglaro man si Kobe sa NBA? Wala naman eh. Mas mabuti nga iyong naririto si Kobe dahil makakapaglaro siya para sa national team ng Pilipinas.

Aba eh mukhang wala na tayong binatbat ngayon sa basketball, samantalang noong araw isa ang Pilipinas sa kinatatakutan sa basketball sa Asya. Tandaan ninyo, tinalo ng Philippine Team noong 1975 maging ang China. Coach pa noon si Tito Eduque, at naglaro sina Robert Jaworski, Arnaiz, Big Boy Reynoso, Bogs Adornado, Atoy Co at Abet Guidaben. Pagkatapos ng set na iyon, humina na tayo nang humina. Baka nga kailangan ang “fresh blood” kagaya ni Kobe na pumasok sa ating national team.

Hindi rin naman maikakaila na maraming fans si Kobe, at kailangan din iyon para makuha ng basketball ang suporta ng masa na lumamig na rin naman ngayon. Noong 70’s, mas sikat ang mga basketball players kaysa sa mga artista, kaya nga marami sa kanila ginawa talagang artista.

Si Francis Arnaiz, na isa sa pinakapogi noon, naging leading man pa ni Ate Vi doon sa Tagos ng Dugo. Si Jaworski, kasama rin si Arnaiz ay nagkaroon pa ng action series sa RPN 9. At si Yoyong Martirez ay artista pa rin hanggang ngayon.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with