Nakatikim ng ganti mula sa supporters ni President Duterte si Angelica Panganiban matapos itong mag-tweet sa kasagsagan ng super typhoon Rolly ng “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino...”
Nagkataon na nang nag-tweet siya, trending ang #NasaanAngPangulo at ang photo na gamit ng ibang netizens ay natutulog ito sa bahay nila sa Davao habang may mosquito-net o kulambo.
Oo nga at walang nabanggit na name si Angelica, pero mabilis nahulaan ng netizens na may koneksiyon nga ito sa nasabing trending topic.
Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na last Sunday na hindi agad ito makabalik dahil sa weather condition at naka-monitor naman diumano ang Pangulo. Saka ‘di naman daw inaasahan ang landfall last Sunday “at saka sa totoo lang po araw ng Linggo naman po iyon.”
Habang sinusulat namin ito ay nakapag-aerial inspection na rin ang pangulo sa Bicol na matinding winasak ng bagyo.
Nagsalita na rin ito sa isang briefing kahapon.
Wala nang kasunod na tweet si Angelica pagkatapos nito at baka nga nawindang sa rami ng reactions.
Samantala, iba nga ang hagupit ng bagyong Rolly.
Nakaka-windang ang footages na nagkalat sa TV at social media. Grabe as in halos mabitak pala ang lupa sa lakas nito. Nakakakilabot.
Imagine, ito ay sa kabila pa rin ng dinaranas na pandemya ng bansa.
Pati ang American actor na si Mark Ruffalo ay nagdasal at naghahanap ng donations para sa mga Pinoy na winasak ng bagyong Rolly. “Pray for our brothers and sisters in the Philippines then get ready to send donations,” ang tweet ng actor/director the other day.
Kaya naman talagang tambak ang netizens na nagpadala sa kanya ng mga litrato ng mga hinagupit ng bagyo sa Pilipinas na animo’y parang end of the world ang hitsura.
Bukod kay Mark Ruffalo, napa-tweet din ang legendary actor na si Russel Crowe. “Just read about Super Typhoon Goni.
“Extraordinary wind speeds.
“Hope that it doesn’t make land fall at that force.
Thinking of the people of The Phillipines and wishing for everybody’s safety,” tweet ni Mr. Crowe.