Ate Vi, aminadong nag-aaral pa rin ng ‘batas’
Isa pala sa gusto sanang gawin ni Cong. Vilma Santos-Recto ay makapagdirek ng isang pelikula na gusto sana niyang matupad next year.
Pero nang nakatsikahan namin ang Star for All Season sa You Tube talk show ni Allan Diones, inamin niyang mas priority daw niya sa ngayon ang pulitika.
Bukod sa ating Panginoon, ang unang concern pa raw niya ay ang kanyang pamilya, sumunod ang paglilingkod niya sa Batangas at next na raw ang showbiz. Kaya sa rami ng inaalok sa kanya, nahihiya na raw siyang tumanggi dahil hindi raw talaga maisingit sa schedule niya.
Ang isa ngang pinakawalan niya ay ang alok daw ni direk Brillante Mendoza na isang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Nora Aunor.
“May in-offer si direk Brillante sa amin. Kaya lang, that was the time na hindi rin in-allow ng schedule ko.
“Hindi ko puwedeng pabayaan yung trabaho ko ngayon bilang isang Congresswoman - gumagawa ka na ng batas dito eh. Hindi na ito parang administrative na bahay mo lang,” saad ni Vilma.
Iba raw kasi talaga ang responsibilidad kapag nasa Kongreso ka at hindi naman daw puwedeng ‘yes’ ka lang nang ‘yes’ na hindi mo alam ang batas na pinag-uusapan. “So, yung time na ibibigay ko to do a film, importante rin na dapat alam ko ang ginagawa ko as Congresswoman. So, priorities muna. Nagkataon ngayon na Representative ng Lipa, kailangan kong mag-aral eh. Ang medyo napabayaan ko ang paggawa ng pelikula. Pero hindi ko kakalimutan, gagawa pa rin ako ng pelikula,” patuloy ni Ate Vi.
Ang isa pang pinanghinayangan daw niya ay ang offer din nina Dondon Monteverde at direk Erik Matti na gawin ang biopic ni Mother Lily Monteverde. “Totoong in-offer sa akin ang kuwento ng buhay ni Mother Lily at gusto kong gawin, lalo na’t kay Mother Lily yan, mahal ko yan. It was direk Erik Matti who requested for a meeting, unfortunately hindi na natuloy ang meeting namin kasi nabanggit ko noon na hindi ko magawa because of my work.
“Ang dami ko talagang napapalagpas, pero nanghihinayang din ako kasi hindi naman puwedeng magpabaya sa trabaho ko ngayon kasi kailangan kong mag-aral.
“Kung merong ganu’ng pelikula na napapabayaan ko because of my work, I believe na if it’s meant, it will happen. ‘Yung time management nahihirapan ako talaga,” sabi ni Ate Vi na gusto naming batiin ng Happy birthday!
PPP extended hanggang December
Sa November 20 pa pala mapapanood ang mga nasa Premium Selection ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Nagsimula na ito noong October 31 pero mga short films pa lamang ang mapapanood. Extended naman daw ito hanggang December 13.
Ipinost ng FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa kanyang Facebook account, “In the spirit of #SamaAll and support of Filipino filmmakers and producers, we’re excited to announce that we have added new titles to the lineup of Pista ng Pelikulang Pilipino 4, so to date, we now have 170 films in total for this year’s edition of PPP.
“To give you more time to watch our film offerings, we are extending the 4th PISTA NG PELIKULANG PILIPINO from just 16 days now to 44 days, from October 31 to December 13.”
Sabi pa niya, “We will be announcing the FULL-LENGTH FILMS FESTIVAL SCHEDULE, as well as the SCHEDULE OF EVENTS in the next few days.”
Ang kita sa online screening ng PPP ay 100 percent na mapupunta lahat sa producers at filmmakers.
- Latest