Konti na lang senior na, Gabby hindi pabaya sa sarili

Nagulat pa kami nang may magpaalala sa amin, hindi lang si Ate Vi ang may birthday this week. Birthday din ng forever matinee idol na si Gabby Concepcion sa Thursday, November 5. Siya ay 56 years old na.
Apat na taon na lang senior na rin, pero tingnan ninyo ang hitsura ni Gabby, mas mukhang bata pa siya kaysa sa maraming mga male star na medyo napabayaan.
Naalala lang namin, may isang young male star na mga two years ago ay sikat na sikat, at sinasabi ngang isa sa pinakaguwapong naging artista sa pelikula. Kahit na wala siyang acting, sapat na ang pagiging pogi niya para kumita ang kanyang mga pelikula at maging top rating ang mga ginawa niyang serye. Pero nalasing sa kaunting popularidad. Nagbisyo. Halos gabi-gabi ay lasing. May iba pang mga ginagawa.
Makalipas lamang ang mga dalawang taon, iba na ang hitsura. Nagmukha nang matanda. Lumapad na ang mukha at lumapad na rin ang noo. Kung titingnan mo ngayon, kahit na magpilit pa, hindi na mukhang matinee idol at ‘yan ang hindi namin maintindihan kung bakit.
May isa pang matinee idol dati, tiyak na mas batang ‘di hamak kaysa kay Gabby Concepcion. Pero kung titingnan mo ngayon, puwede nang gumanap na lolo ni Gabby. Payat, may kulubot na ang mukha at puting-puti na rin ang buhok.
Pero tingnan ninyo si Gabby, at 56, hindi mo sasabihing lampas trenta na ang kanyang hitsura.
Iyong kanyang mga leading lady pabata nang pabata. Ngayon sino nga ba ang ipina-partner sa kanya? Ang leading lady niya ngayon sa isang serye ay si Sanya Lopez, na 24 years old lang. Mas bata pang ‘di hamak sa anak niyang panganay na si KC na ngayon ay 35 na.
At tiyak tatanggapin iyon ng audience dahil hindi naman mukhang 56 si Gabby.
Iyong nakaraan niyang serye, pinag-aagawan siya ng kanyang asawa, si Sunshine Dizon na 37 lamang, at ng isang girlfriend, si Ryza Cenon na 32 naman ang edad. Isipin mo nga naman iyan.
Miss Taguig, malabong mapatay
Makalipas lamang ang ilang araw matapos ang Miss Universe Philippines, sinabi ng isa sa mga top 16 finishers na si Sandra Lemonon ng Taguig, na siya ay nakakatanggap na ng mga banta sa kanyang buhay, at ayaw tumigil ang mga basher na nagsasabing siya ay bobo. Sinasabi nga niya na hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon ng mga tao sa mga sinabi niya, samantalang ang hangad lang niya ay magkaroon naman ng mas magandang treatment sa mga sumasali sa beauty contest.
Walang dudang dahil sa mga sinabi niya, galit sa kanya ang mga may kinalaman sa Miss Universe Philippines, kaya asahan na rin naman ang mga trolls na pabor sa kanila na magsalita nang hindi maganda.
Pero ano pa nga ba ang sasabihin talaga ni Sandra? Sana sabihin na para matapos na. Hindi totoo ang death threats. Hindi siya kayang patayin ng kung sino man iyon.
Madam Auring, gumawa rin ng impact sa showbiz
Mayroon kaming running joke sa fortune teller na si Madam Auring. Minsan kasi tinatawagan namin siya sa phone, at nang sagutin niya at tanungin niya kung sino kami, ang isinagot namin ay hindi ba manghuhula ka? Hulaan mo. Nakilala rin niya kami dahil sa aming pagbibiro, at nagkatawanan na lang kami.
Yumao na si Madam Auring. Eighty years old na rin pala siya. Noong huli namin siyang makita, may puwesto siya sa isang mall sa Kalookan kung saan siya nanghuhula at mayroon ding beauty and massage parlor. Nagkakuwentuhan pa kami. Gumawa pa siya ng mga hula sa mangyayari sa showbiz. Pero ngayong yumao na siya, nakita namin kung gaano karami ang kanyang mga kaibigan. Kabi-kabila sa social media ang pakikiramay.
Maski ang dalawang pinakamalaking networks, ang ABS-CBN at GMA 7, may balita tungkol sa kanyang pagpanaw. Sikat din talaga si Madam Auring kahit na ano pa ang sabihin ng mga kritiko niya.
- Latest