Halloween, naitawid sa pandemya

Doc Hayden, Dra. Vicki at Scarlet
STAR/ File

Kung makikita mo ang photos na nagkalat sa social media, mukha namang kahit pandemic ay nailusot pa rin ang halloween pictorial. ‘Yung family picture ng mga Kho - nina Doc Hayden, Dra. Vicki at Scarlet na naka-costume sila. Sina Joel Cruz at mga anak niya, lahat in full gear to enjoy.

Si Zia Dantes na nag-ala Princess Jasmine, talagang naitawid nila ang Halloween.

Mabuti nga dahil at least ipinakita sa lahat na heto at puwede pa ring mag-enjoy sa pictorial kahit pandemic.

Nawala man ‘yung trick or treats na ginagawa ng mga bata noon, heto, puwede pa ring isingit ang konting enjoyment. Sayang nga, puwede naman siguro na pinayagan kahit pakonti-konti lang ang puwedeng pumasok sa sementeryo, para hindi masira ‘yung tradisyon ng pagdalaw sa ating mga namayapang mahal sa buhay.

Pero no one and nothing can steal our Christmas. Basta ‘pag Pasko, siguradong kahit pandemic ay Pasko.

Aktor, binabantayan kung matutulad sa actor’s guild

Iyon sanang AKTOR  na samahan ng mga artista ngayon ay maging tulad ng Actor’s Guild noong nag-uumpisa pa lang ito. Iyon bang active na active sila, maraming projects, at makikita mo kung paano na­ging closer ang lahat ng stars.

Naalala kong every year noon, looking forward ang lahat sa ginaganap na Star Olympics. Ganundin sa Film Academy Awards night at sa lahat ng activity ng Actor’s Guild.

Sayang nga at later on ay nawala ang clout at premium nito, at hindi na naging major player sa showbiz. Ang ningning nito noong una, kaya parang ang sarap maging member na parang hindi ka belong ‘pag hindi ka miyembro.

Sayang at hindi na-sustain at naingatan maging isa pa ring major association sa loob ng showbiz.

Sana makuha ng Aktor ang nagawang ingay at respeto ng lahat sa Actor’s Guild noon para na rin sa protection ng mga artista na misyon ng nasabing samahan.

Show comments