^

PSN Showbiz

Osang, itinuring na suwerte ang 2020

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Osang, itinuring na suwerte ang 2020
Rosanna Roces at Dennis Robert Adriano
STAR/ File

Kamakailan ay naayos na ang gusot sa pagitan ng mag-inang Rosanna Roces at Dennis Robert Adriano o mas kilala bilang si Onyok. Halos walong taon ang inabot ng tampuhan dahil matindi raw ang pag-aaway ng mag-ina noon.

“Ini-expect ko na papunta na rin doon (magkakaayos). Kasi parang luma­lambot na rin ako eh. Padala ng ganito, padala ng ganyan, dadaan kay Grace (Panganay na anak ni Osang). Ang hirap ng may iniisip, lalo ‘pag Pasko. Hindi mo alam kung ano ang kinakain, kung nasaan. Gano’n kasi ang ina, ‘pag sobrang magmahal, sobra rin masaktan. Kesa masaktan ka nang masaktan, bibitaw ka na lang, cut ties. Kaya kung sa iba, malas itong pandemic, suwerte ko itong 2020. Napakaganda ng 2020 ko, totoo,” makahulugang pahayag ni Rosanna.

Aminado ang kontrobersyal na aktres na itinakwil niya noon si Onyok dahil nasaktan siya ng bunsong anak. “Sinaktan niya ako physically. Parang hindi na kaya ng utak ko ‘yon. Hindi kinaya ng puso ko,” pagtatapat niya.

Ngayong nagkabati na ang mag-ina ay posibleng sa poder na ni Osang muling manirahan ang anak. “Iyan talaga ang nakabuntot nang nakabuntot sa akin. Kasi paborito kong anak ‘yang si Onyok. Makananay talaga ‘yan. Minsan talaga, ‘yung pinakagago mong anak, ‘yon ang pinakamapagmahal. Eight years ng buhay niya wala ako. Mabuti rin na may natutunan din sila,” paglalahad ng aktres.

Elisse, naging komportable kay Gino

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatambal ni Elisse Joson ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Gino Roque. Mapapanood na simula ngayong Biyernes sa Iflix ang Beauty and the Boss na pinagbidahan ng dalawa.

Ayon kay Elisse ay talagang na-enjoy niyang makatrabaho ang baguhang aktor. “Ang na-appreciate ko lalo ‘yung mga in between takes. Kapag naghihintay ng camera setup kasi nga naging komportable na sa isa’t isa, magkakaroon kami ng time na may kuwentuhan tapos magtatawanan lang kami. Super random little things lang pero nakakatuwa. Kasi do’n mo makikita na komportable kami sa isa’t isa. Happy set lang,” kuwento ni Elisse.

Anim na episodes ang matutunghayan ng mga tagahanga sa natu­rang digital series. Para kay Elisse ay siguradong makatutulong sa mga manonood na makalimutang pansamantala ang kinakaharap na problema dahil maganda ang tema ng serye. “Shooting this series was a lot of fun and we enjoyed it so much. I expect that you guys would feel the same thing. You guys are going to forget your problems, what’s happening right now. Kasi kung mahilig kayo sa K-drama, we have our own Pinoy version and siyempre gawang Pinoy,” paliwanag ng dalaga.

Sinisiguro ni Elisse na kapupulutan din ng mga aral ng mga manonood ang kanyang bagong proyekto. “’Yung character ni Stella she has a dilemma of choosing love over her dreams. So depending on the type of person you are, I feel like, based on how Stella managed to overcome that dilemma sa series na ito. Do’n merong parang lesson na pwedeng pulutin ‘yung manonood,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

OSANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with