Lalong napatunayan sa Koreanovelang Itaewon Class ‘yung kasabihan na ‘pag kasama mo sa isang trabaho, dapat feeling family kayo para maging successful. Na ikaw bilang boss o leader, dapat laging nakasuporta sa tao mo at dapat ikaw ang protector ng mga empleyado mo. ‘Yung complete trust at respeto sa boss at sa mga tauhan niya, iyon ang buhay ng kumpanya. Against all odds, together kayo para stronger.
Totoo rin na hindi puwede na laging sentimental ‘yung feeling mo, pero ‘yung pagmamahal mo sa mga tao mo ang importante. Hindi ba iyan lagi ang ginagawa kong gauge kung maganda ang ugali ng isang artista, ‘pag nakita mo na nagtagal ‘yung alalay niya, driver o yaya, sure ako na mabait siya. Pero ‘yung mga star na every month iba ang nag-aalaga, may problema iyan sa ugali.
Dapat kasi ang una mong line of defense lagi ay ang boss mo, ‘yung mga kasamahan mo, ‘yung family kayo, fighting against sa mga tao outside of your company.
Ang ganda ng message, ‘yung loyalty, ‘yung respect, ‘yung fight against all odds at ‘yung survival.
Bida sa Itaewon Class si Park Seo Joon na kinababaliwan ng maraming Pinoy fans.
Anjo, biglang naging busy
Siguro very happy na rin si Anjo Yllana sa kanyang trabaho sa Net 25.
Kasi nga parang very busy na rin ang station sa pag-produce ng mga show, and aside from that, maraming inhouse production na nagaganap.
For the first time nga, magkakaroon ng presscon ang network para sa launching ng isa nilang show, ang Kung Ako’y Iiwan Mo.
Mukhang magiging aktibo ang takbo ng Net 25 dahil sa bagong ideas na ipinapasok ni Anjo para maging very competitive ang naturang istasyon.
Nakapunta na ako sa loob ng TV station nila at nakita ko ang kumpleto at magandang ayos nito. Moderno ang mga equipment, panlaban talaga kaya hindi kataka-taka na maging masaya si Anjo dahil alam niya na kung makukuha nila ang attention ng TV viewers, makakaya nilang tapatan ang mga existing show na napapanood.