Kakaibang Halloween experience tampok ang The Rental at Unhinged, dalawang pelikulang maghahatid ng takot at kaba, ang handog ng Drive-In Cinema One na mapapanood nang libre sa Vertis North ngayong weekend (Oktubre 30 at 31).
Yup, you read it right.
Sa pakikipag-ugnayan sa Vertis North Estate at Ayala Malls Vertis North, hatid ng drive-in event ng Cinema One ang 2020 horror flick na The Rental sa Biyernes at ang action-thriller na Unhinged sa Sabado na tiyak na ma-eenjoy ng drive-in moviegoers habang nananatiling ligtas sa loob ng kani-kanilang sasakyan.
Ang The Rental ay kwento ng dalawang couple na umupa ng isang vacation home para magkaroon ng masayang weekend getaway ngunit nang maglaon ay makakaramdam na parang may nanonood sa kanila sa loob ng inuupahang bahay. Bida sa American film na ito sina Dan Stevens, Alison Brie, Sheila Vand, Jeremy Allen White, at Toby Huss.
Kwento naman ng isang single mom na naging target ng isang estranghero pagkatapos nilang magkaharap sa isang road rage ang 2020 psychological thriller na Unhinged. Pinagbibidahan ito ng award-winning actor na si Russell Crowe, tampok rin sa pelikula sina Caren Pistorius, Gabriel Bateman, Jimmi Simpson at Austin P. McKenzie.
Bukod sa mga pelikulang eksklusibong mapapanood dito, maaari ring sumali ang drive-in moviegoers sa inihandang activities at games na swak sa tema ng Halloween.
In all fairness, drive-in, libre pa at may pa-games pa. Ito na nga ang new normal, ang drive-in cinema.
Sa kasalukuyan ay malabo pang magbukas ang mga sinehan dahil bawal pa rin ang mass gathering.
Or kung puwede naman, may apprehension pa rin ang karamihan dahil paano mo naman mae-enjoy ang panonood kung lagi kang nagwo-worry na baka may virus sa pinuntahan mong cinema, etc. etc.
Oh ay siya try nating manood sa Drive-In Cinema One tutal libre naman.
At para walang gastos, magbaon na lang ng meryenda, mas safe pa.
Ang kaigihan lang dito, hindi mo na kailangang magbihis o mag-ayos para manood ng sine. Puwedeng naka-pajama o pantulog ka na kasi wala naman sa ‘yong makakakita dahil nasa kotse ka lang. Hahaha