Ilang buwang nagsama sa isang condominium unit sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca. Nagpasyang magsama ang magkasintahan nang ipatupad ang community quarantine sa bansa dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Two to three months ‘yon kasi quarantine ‘yon eh. MECQ tapos nalaman naming mag-e-extend pa ‘yung quarantine. For a period, we decided to stay together,” pagtatapat ni Kylie.
Para sa beauty queen-actress ay nasa tamang edad na siya kaya wala namang problema kung nag-live in man sila ni Jake. “I’ve been independent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have worked very hard to get what we are today. So I think dapat i-respect ng tao ‘yung desisyon namin. Kasi we are very independent people who are just trying to be the best version of ourselves. We’re not trying to hurt anyone. We’re just having fun with our lives and I think hindi na kami teenybopper. Hindi na kami younger 20’s. I hope people respect our decisions we have with our lives. Kasi we’re already off age,” makahulugang paliwanag ng dalaga.
Mayroong mensahe si Kylie para sa mga taong nanghuhusga sa ginawa nilang pagsasama ni Jake sa iisang bubong. “Naiinis kasi ako na parang, ‘Ano bang pakialam n’yo?’ Para sa akin, ‘Pakialam n’yo ba?’ Ganoon ako mag-isip eh. So what?” pagtatapos ng beauty queen-actress.
Jason, nagpi-pinta muna
Marami talaga ang nawalan ng trabaho mula nang magkaroon ng pandemya at nagsara ang ABS-CBN. Nagkaroon muli ng hilig sa pagpipinta si Jason Dy dahil ilang buwan nang nananatili lamang sa bahay. “Dati kasi nagpi-painting na ako. Nakalimutan ko lang dahil na-busy. Ngayon kasi hindi ba ang dami nating time sa bahay, so binalikan ko ulit. Actually noong binalikan ko siya parang, oo nga ano parang pwedeng i-exhibit kapag nakarami ako. Konti pa lang ang nagagawa ko,” kuwento ni Jason.
Dahil sa kawalan ng trabaho at patuloy na pagharap sa krisis na nararanasan ng buong bansa ngayon ay nakaramdam ng matinding kalungkutan ang singer. “Siyempre ‘yung mga napagdaanan ko typical for an artist sa business natin. ‘Naku! Wala na tayong trabaho.’ Parang ‘yung main na ginagawa natin as an artist as performer, nagpi-perform sa maraming tao, sa crowd, eh ‘yon ang pinakabawal ngayon. So na-down ako, maraming insecurities. ‘Magkakaroon pa ba ako ng trabaho?’ ‘Yon ang main way of living ko, pinagkakakitaan ko. So ‘yon talaga, naka-affect talaga sa mental health,” pagbabahagi ng binata.
Malaki ang pasasalamat ni Jason sa mga kaibigan at pamilya na nakatulong upang mapawi ang naramdamang kalungkutan. “With my family and friends, siyempre si mommy, nakatulong talaga na kasama ko siya at karamay ko siya,” giit ng singer. (Reports from JCC)