Always, sa isang istorya ay merong three sides, your side, my side at ‘yung truth. Iyan ang nangyayari ngayon sa istorya nina Tekla at sa kinakasama niya na si Michelle Bana-ag. Kung sino ang nagsasabi ng totoo, at kung ano ang totoo.
Pinaka-affected dito ang career ni Tekla dahil siya ang celebrity at mas kilala ng tao.
Siguro kung nawala na ang galit ni Michelle malalaman niya na ang laki ng damage na ginawa niya kay Tekla, at siguro rin sa panig ni Tekla, naisip niya na bakit dumating pa sa ganito, bakit hindi naayos agad.
Kung pera ang usapin, paano pa kikita si Tekla kung wala na siyang career? Ano na ang magiging buhay ngayon ng anak nila na ipinanghingi pa nito ng tulong noon para ma-save ang buhay?
Spur of the moment madness, one minute of anger na ikasisira ng buong buhay mo.
Saan at ano pa ang puwedeng gawin para maayos ang nasirang image ni Tekla? At ano pa ang puwedeng magawa ni Michelle para pagsisihan ang nangyaring ito?
Sayang ang lahat kahit pa nga magkaayos silang dalawa, dahil nalagyan na ng dumi ang buong katauhan ni Tekla. Sayang ang malaking break na ibinigay sa kanya, dahil lang sa mga ganitong paratang ay mawawala.
Talented si Tekla, pero paano ka pa aarte at magpapatawa kung alam mo na may dungis na ang katauhan mo.
Everybody deserves a second chance, another chance, at sana ito ang maibigay kay Tekla.
Liza at Catriona dapat hangaan, dapat ding maghinay-hinay
‘Katakot naman na napagbintangang maka-red sina Liza Soberano at Catriona Gray. ‘Yung freedom of expression at pag-voice out nila ng kanilang paniniwala, karapatan iyon ng bawat Pilipino. Pero ‘pag sobra na ang pagsawsaw sa kahit anong issue, hindi na rin maganda.
Medyo siguro, hinay-hinay lang para hindi isipin na pumapanig ka sa mga kalaban ng gobyerno.
Tayo ang namili ng ating mga leader sa kasalukuyan, ibinoto natin sila, kaya we should trust them and give respect.
Kung sakali at meron tayong hindi gusto, kung discontented tayo, intindihin muna natin dahil meron namang susunod pang eleksiyon, doon natin ipadama ‘yung feeling natin, doon natin ipakita na hindi natin sila gusto.
Dapat hangaan ang pagiging vocal nina Liza at Catriona, alam nila ang nangyayari sa bayan, sa paligid, pero dapat maghinay-hinay din para hindi isipin na sobra na rin ang ibinibigay nilang opinyon.
Lahat ng bagay, dapat in moderation, walang sobra, walang kulang at dapat sakto lang.
Remember, this is our country, love and respect it, and give our leaders a chance to do their best.