^

PSN Showbiz

Angel Locsin sa mga kritiko: Hindi kami NPA ng kapatid ko

James Relativo - Philstar.com
Angel Locsin sa mga kritiko: Hindi kami NPA ng kapatid ko
Litrato ni Angel Locsin (kaliwa) at kanyang pamilya (kanan), kasama ang kapatid na si Angela Colmanares na pinararatangang miyembro ng NPA
Mula sa Instagram account ni Angel Locsin

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga kontrobersiyang nililikha ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Lt. Gen. Antonio Parlade sa sari-saring personalidad, binasag na ng aktres na si Angel Locsin ang mga paratang ng pagiging armadong komunista.

"To set the record straight, hindi po ako parte ng [New People's Army] or any terrorist group. Neither my sister [Angela Colmenares] nor my kuya Neri [Colmenares] is a part of the NPA or any terrorist group," sambit niya sa kanyang Instagram, Biyernes nang umaga.

Ito ang banat ni Angel matapos sabihin ni Parlade na "alam" niya ang pagiging NPA ng kapatid na si Angela "Ella" Colmenares sa Quezon province.

Kapo-post lang ni Angel ng litrato ni Ella habang nasa birthday party sa Quezon City.

 

 

Kilalang miyembro ng aktibistang grupong Gabriela si Locsin, na nagiging target ngayon ni Parlade para sa "proscription" sa ilalim ng Anti-Terrorism Act.

Basahin: NTF-ELCAC inaantay lang ideklarang 'terorista' ang mga grupo gaya ng Gabriela

May kaugnayan: 'Pag-ugnay' ng AFP kina Liza Soberano, Catriona Gray sa NPA sinupalpal

'Please support Liza, Catriona'

Una nang binalaan ni Parlade ang artistang si Liza Soberano na lumayo-layo sa grupong Gabriela Youth, isang women's rights organization, sa dahilang baka maging rebelde siya at iba pang celebrities kung magpapatuloy.

Pero dinepensahan naman ni Angel ang kasama sa industriya na diumano'y nare-redtag habang itinataguyod ang karapatan sa pamamahayag na protektado sa ilalim ng 1987 Constitution.

"Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako 'red.' Magkaiba lang tayo ng paniniwala.paniniwala," wika niya.

"I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Grey, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully."

Matagal nang vocal sa kanyang advocacies ang aktres at kilala rin sa kanyang mga charity works. Dahil dito, hindi na raw sa kanya bago ang mga natatanggap na atake sa tuwing nababatikos niya ang gobyerno. Gayunpaman, ibang lebel na raw ang ginagawa sa kanya: "I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family." 

Kapatid ni Angel bumwelta rin

Nagsalita rin si Angela Colemares sa natatanggap na mga paratang mula kay Parlade, bagay na wala raw basehan at gawa-gawa lang.

Ika-21 kasi ng Oktubre nang sabihin niyang rebeldeng komunista siya at nasa probinsya ng Quezon.

"The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don't follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this," saad ni Parlade sa isang statement.

Sa kabila niyan, active na active naman sa social media si Angela at aktibo sa kanyang environmental advocacies.

"I do not have to defend myself as I have not done anything wrong but I decided to speak up, not just for myself but also for my children, whose lives may have been endangered because of this reckless red-tagging being broadcasted on social media," sabi niya sa isang tweet, Huwebes.

Kahapon, nag-joke pa nga siya dahil hinahanay siya kina Liza Soberano, Catriona Gray at Angel: "Feeling maganda tuloy ako ngayon," sabi niya.

Dumepensa naman si Parlade sa ANC kanina,  "ngayon lang nag-aboveground" si Ella at wala na sa "underground." Aniya, nagrerekluta siya sa ligal sa ilalim ng Gabriela, bagay na hindi naman totoo.

"Hindi ako naging Gabriela Youth organizer. Supporter of women’s cause, yes. I was with a Christian group during my younger years and was recently active in environmental causes doing coastal clean-ups. Ano po bang masama dun?" dagdag niya.

"Paki correct na lang po kasi nakakahiya naman sa napakalaking intel funds ninyo. Saka ano po ako, palitaw: lulubog-llitaw?! Ano po ba talaga ang nasagap nyo? Sabi nyo dati patay na ko? Maawa po kayo sa trolls nyo. Hilong-hilo na."

Sa kabila ng lahat na ito, naninindigan ang NTF-ELCAC na hindi nila nire-redtag sina Angel. "That is not red-tagging, that's just informing the public that a member of the underground organization is also associated with, of course, her sister [Ella]. That's not red-tagging," ani Parlade.

ACTIVISM

ANGEL LOCSIN

ANTONIO PARLADE

COMMUNITY PARTY OF THE PHILIPPINES

GABRIELA

NATIONAL TASK FORCE TO END LOCAL COMMUNIST ARMED CONFLICT

NEW PEOPLE'S ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with