Wow, mapapanood na sa sikat na streaming site na Netflix ang Descendants of the Sun Philippines beginning November 13.
Descendants of the Sun Philippines is the first GMA program to be streamed on Netflix Philippines.
“Aside from recently being recognized in the 15th Seoul International Drama Awards as the Most Popular Foreign Drama, and for being able to air on live TV again this October, I am happy to share the news that DOTS will also be shown in Netflix starting November 13!
“The 65-episode series will be streamed on eight consecutive Fridays, and I cannot wait to see our work in the menu of this popular platform.
“Congratulations to all the men and women behind the show! Nakaka-proud kayo!,” ang post kahapon ni Dingdong Dantes na gumaganap na Captain Lucas Manalo a.k.a. Big Boss.
Last February lang nag-umpisang mapanood ang Descendants of the Sun Philippines pero biglang nagkaroon ng pandemic kaya matagal silang napahinga. Pero nakatapos na silang mag-taping ng continuation nito na mapapanood simula sa October 6.
Bagong star pop talent na si kanishia, mala-K-pop ang debut single
Ipinakilala na ng Star POP music label ang pinakabago nitong artist na si Kanishia na maglulunsad ng debut single niya na A Little Taste of Danger ngayong araw (Oktubre 16).
Kahit na nga ngayon lang sumabak sa recording, hindi naman baguhan ang 19-anyos sa pag-arte, pagkanta, at pagsayaw. Nagsimula siyang mag-perform noong bata pa siya at may limang taon ding experience sa school theater productions.
“Nagustuhan ko pong kumanta mga seven years old pa lang po ako, gusto ko po ‘yung nagpe-perform sa stage, nag-e-entertain ng people. Hindi lang ‘yung pinapakita ‘yung talent sa voice, pero acting din po,” sabi ni Kanishia na isang La Salle student at galing sa mayamang pamilya.
Ngayon, bibida na si Kanishia sa mainstream na puno ng good vibes niyang single na A Little Taste of Danger tungkol sa pagkawala sa comfort zone at pagdiskubre sa kung ano pa ang mga kayang gawin ng isang tao.
“Naka-relate po ako sa song kasi tuwing pinapakinggan ko, nakaka-imagine ako ng butterfly coming from a caterpillar. Pwede ka mag-bloom ‘pag nakakuha ka ng maraming experience,” paliwanag ni Kanishia.
Ang singer songwriter na si Marion Aunor ang nagsulat ng lyrics at musika ng kanta, habang sina Jack Rufo at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang nag-produce nito.
Sister si Kanishia ni LA Santos at na-discover siya ng legendary singer na si Claire dela Fuente sa concert ni LA.
At doon na nga nag-start ang lahat. Very K-pop ang tunog ng A Little Taste of Danger song niya.
At ang biggest favorite song niya ngayon, Dynamite ng BTS.
Mapapakinggan na starting today sa iba’t ibang digital music streaming services ang first single ni Kanishia.