Zaijian, hindi nag-workshop para sa bading role

Zaijan
STAR/ File

Hindi nagdalawang-isip si Zaijian Jaranilla na gumanap bilang isang bakla sa pelikulang Boyette Not A Girl, Yet mula sa Star Cinema. Makakasama ng aktor sa naturang digital movie sina Maris Racal at Inigo Pascual. Ayon kay Zaijian ay talagang kaaaliwan ng mga manonood ang kanyang bagong karakter. “No’ng pinitch po sa akin ni direk Jumbo (Albano) ‘yung movie, sobrang interesting po kasi gusto ko rin po maalis ‘yung image ko dati na Santino na kinapitan ng tao. Gusto ko lang po na mabago ang tingin ng ibang tao na hindi lang ako habambuhay na si Santino. Gusto ko rin na makita nila na kaya ko rin gumawa ng ibang role,” paglalahad ni Zaijian.

Unang nakilala na batang aktor pa lamang noong 2009 bilang si Santino sa teleseryeng May Bukas Pa. Ngayon ay labingsiyam na taong gulang na si Zaijian kaya nakahanda nang gumawa ng mga mapangahas na role. “Gusto ko rin po siyempre i-challenge ‘yung sarili ko and I’m so happy po na nabigyan po ako ng ganitong opportunity. Sa tulong po ni direk Jumbo, nakagawa po kami ng isang napakaganda at solid na pelikula, ” giit ng aktor.

Hindi nakapag-workshop si Zaijian bilang paghahanda sa kanyang role sa bagong pelikula. Inaral na lamang umano ng aktor kung paano magsalita at kumilos ang isang bading sa pamamagitan ng mga nakasama sa set. “Hindi kami nagkaroon ng workshop kasi nagkaroon na rin po ng pandemic. Ang hirap na rin po mag-workshop. No’ng nasa set na po kami sa tulong ni direk, tapos puro bading po. So tinutulungan nila ako na ganito ang gawin ko, lambutan ko pa. Sobra po ang tulungan namin,” kuwento ni Zaijian.

Bea, umaming na-insecure kina angelica, angel at anne

Labingtatlong taong gulang pa lamang nang magsimulang mag-artista si Bea Alonzo. Para sa aktres ay marami siyang mga bagay na natutunan mula sa ABS-CBN na humubog sa kanyang pagkatao. “I started parang hindi ko pa nabubuo ‘yung pagkatao ko. I learned how to love a colleague, how to care about one another. I have learned the value of hard work and the gift of friendships because 90% of my friends are from ABS-CBN,” nakangiting pahayag ni Bea.

Katulad ng ibang kabataan ay nagkaroon din ng insecurities noon ang dalaga sa kanyang sarili. Ayon kay Bea ay pinag­daanan niya ang lahat ng hirap lalo na noong nagsisimula pa lamang sa show business. “Wala talaga akong confidence at all. At that time, imagine ‘yung mga kasaba­yan mo sina Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban na sobrang hot nila and they are really good actors. I felt empowered when I was acting because I knew I was good at it. After a while, natutunan ko, nobody will love you as much as you love yourself. If people see you that you love yourself and that you take care of yourself because you love you, people will start actually to respect you,” makahulugang paliwanag ng aktres.  (Reports from JCC)

Show comments