Sister ni Pia, dinaan sa Tiktok ang galit sa mundo
Ibang-iba na ang mood ng sister ni Pia Wurtzbach na si Sarah sa kanyang mga latest post sa Instagram page niya na open to everybody na uli.
May mga TikTok dance na siya at pinipilit maging positive kahit galit sa mundo. “When you’re mad at the world, just force positivity in, and everything else will come naturally. How can I be angry while dancing? ”
Pero disabled ang comment section niya kaya walang maka-react.
At ang isa pang napansin, nadagdagan ang followers niya sa IG.
Si Pia ay nasa Pilipinas na base sa post ng business manager niyang si Rikka Infantado Fernandez.
Two days ago lang nang maglabas ng sama ng loob si Sarah sa kapatid niyang dating Miss Universe na wala ngang planong sagutin sa social media ang kanilang problema.
- Latest