^

PSN Showbiz

Personalidad na sinubukang pagkakitaan ang mga kuwento, hindi nag-succeed

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagtatawanan ng mga kababayan natin ang naisip na paraan ng isang dating male personality para lang siya makapamandaw ng mga tagasuporta sa kanyang vlog.

Sa kagustuhan niyang lumaki ang bilang ng kanyang mga tagasuporta ay dumating na siya sa height na nag-imbento ng mga kuwentong siya lang naman ang naniniwala.

Pero anyare? Nagtagumpay ba naman siya? Lumaki ba ang numero ng mga tagasuporta niya? Pinagkakitaan ba niya ang mga kuwentong puro kababalaghan lang naman?

Kuwento ng aming source, “Pinag-usapan naman siya, impernes, naging topic siya ng buong bayan at ‘yung sinasabi niyang male personality na nakasama niya sa kaligayahan. Daw, ha?

“Pero anyare? Talaga namang pinag-swimming siya sa apdo ng publiko, pinakain din siya ng pinakamapaklang ampalaya! ‘Yun ang napala niya!” unang komento ng aming impormante.

Nagdarahop na ang kanyang vlog ngayon. Nabawasan na nang nabawasan ang bilang ng mga sumusubaybay nu’n sa kanya sa pag-asang may katotohanan nga ang mga litanya niya.

Balik-chika ng aming source, “Talagang ganu’n ang mangyayari kapag nabuking ng mga sumusubaybay sa kanya na drawing lang naman pala ang mga ikinukuwento niya.

“Ang nakakahiya pa, ‘yung kinaladkad niyang name sa mga ilusyon niya, e, ni hindi nagsayang ng laway para pansinin siya! Wala, deadma lang, kaya nagmukha siyang engot!

“Kasi naman, wala siyang kadala-dala! Ilan na bang personalities ang ginanyan niya? Ang dami-dami na niyang kinaladkad na pangalan sa mga istorya niya, di ba?

“Hindi nagtagumpay ang lola n’yo, pahiyang-pahiya siya, iilang piraso na lang ang tumututok sa kanya ngayon!” napapailing na kuwento ng aming source.

Sigaw ng buong bayan, magpakatotoo na lang kasi siya, tantanan na niya ang paghahabi-habi ng mga kuwentong wala namang katotohanan dahil hindi naman siya gumagawa ng kumot.

Panghuling atake ng aming impormante, “Makipagkasundo na kasi siya sa pamilya niya, ‘yun lang ang sagot sa kalungkutan niya. Tama na ang pambubulabog sa mga taong nananahimik na inaabala niya!

“Ayan tuloy, nabelat siya! Paano na ang inaasahan niyang malaking kita sa vlog niya? Blog ang nangyari, nauntog siya!

Ubos!

Pia at Sarah, parang mga Barretto

Nagkakaisang komento ng marami ay may junior na raw ang Barretto sisters kina Pia at Sarah Wurtzbach. Batuhan ng baho sa publiko nu’n ang pinagkaabalahan nina Gretchen, Claudine at Marjorie.

Talagang nagpista ang taumbayan sa pakikinig at pagbabasa sa mga negatibo nilang komento laban sa bawat isa. Pero namahinga muna ang magkakapatid. Kung kailan uli mabubuhay ang kanilang pagbabangayan na kasali ang publiko dahil sa social media ay sila lang ang tanging nakakaalam.

Biglang umentra ang kapatid ng kinoronahang Miss Universe, binulabog niya ang buong mundo sa pagbabando ng mga salitang pagkasakit-sakit laban sa kanyang kapatid, nagulantang ang buong bayan sa mga negatibong pananalita ni Sarah.

Pati ang kanilang ina ay minura niya, ang mga bagay-bagay na dapat nilang inuupuan lang ay ipinarating niya sa publiko, nagmistulang palengke tuloy ang personal nilang buhay.

Pero pagkatapos niyang wasakin ang imahe ng kanyang kapatid ay biglang kumambiyo si Sarah. Nakikiusap siya ngayon sa ating mga kababayan na huwag magalit sa kanyang kapatid na si Pia.

Teka lang naman muna. Sino ba ang nagbukas ng pintuan ng kanilang personal na buhay sa publiko? Sapilitan bang winasak ‘yun ng ibang tao para makialam sa kanila?

Siya itong naglitanya tungkol sa pagkatao ni Pia, siya itong nagmura sa kanilang nanay, siya itong nagbihadhad ng mga hindi kagandahang ugali ng kanyang kapatid.

Pagkatapos ngayon ay sisisihin pa niya ang mga nakikisawsaw sa problemang siya ang nagpasimuno? Huwag daw magalit kay Pia, huwag daw laitin ang kanyang kapatid, ang dami-dami niyang pakiusap ngayon dahil sa sunog na siya ang pinagmulan.

Kailangang maligo sa pulot ngayon si Sarah para mahimasmasan siya. Kailangan siyang pabendisyunan para malaman niya kung gaano kalaking gulo ang ginawa niya sa kanilang pamilya.

Ganito ang kinahihinatnan ng mga taong hindi muna nag-iisip nang maraming beses bago magklik. Ganitung-ganito ang kauuwian ng mga taong nagkikimkim ng galit sa kanilang puso at nagpapadala sa inggit.

VLOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with