Bagong digital channels ng ABS-CBN, mapapanood sa kumu

Tuluyan pang pinalalakas ng ABS-CBN ang livestream entertainment offerings nito sa paglulunsad ng tatlong digital channels na For Your Entertainment (FYE), Game KNB, at MYX PH, tampok ang all-original content na mapapanood sa pamamagitan ng community platform na Kumu.

Hatid ng kanilang mga bagong proyekto ang Kapamilya personalities na ngayon ay streamers na rin tulad nina Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Ces Drilon, at Robi Domingo sa iba’t ibang kuwelang programa sa Kumu.

Nag-umpisa na ang Game KNB? (@gknb) na maghatid ng makabagong game show experience sa mga manonood sa pag-arangkada nito sa Kumu Lunes hanggang Biyernes, 12nn simula Oktubre 12. Madali lang sumali sa palaro at manalo ng hanggang P10K araw-araw sa unang season nito. Mapapanood din ang pagbabalik ng pambansang game show sa Jeepney TV, kasama ang bagong host nito na si Robi Domingo.

Samantala, nagsimula lamang noong Hulyo ang FYE (@fyechannel) pero mayroon na itong 120K followers na inaabangan ang celebrity streamers sa paghahatid nila ng good vibes, mga palaro, at performances.

Nagsimula na rin ang  MYX Philippines (@myxph) sa paghahandog ng mga eksklusibong programa sa Kumu.

Magdownload na ng Kumu at sundan ang FYE Channel

@fyechannel,  Game KNB?

@gknb, at MYX @myxph para mapanood ang Kapamilya livestream.

Show comments