Official na ang pagiging ‘First Yaya’ ng Kapuso star na si Sanya Lopez.
Kahapon ay ipinakilala na siya formally bilang bagong partner ni Gabby Concepcion sa teleseryeng para sana kay Marian Rivera.
Handang-handa na raw si Sanya para sa bonggang break na binigay sa kanya ng GMA 7.
Mabilis ang arangkada ng career ni Sanya mula sa pagiging Sang’gre Danaya sa Encantadia four years ago, mas napansin siya nang gawin ang Haplos, Cain at Abel, and Dahil Sa Pag-ibig.
“First time ko po na magkakaroon ng show sa primetime na ako ang title role, kaya sobra po akong nagpapasalamat sa GMA at sa fans na laging nakasuporta. Kabado rin po na excited kasi alam ko malaki ang ineexpect ninyo sa akin bilang inyong First Yaya,” sabi ni Sanya kahapon sa pagganap bilang ‘yaya’ sa isang Zoom conference.
“Simula pa lang ng Encantadia ay lagi na akong sinosorpresa ng GMA sa projects na binibigay po nila. Ang tiwala po ay laging karapat-dapat na suklian ng sipag, tiyaga at katapatan,” dagdag ni Sanya.
At mas napa-wow daw si Sanya nang malaman nga niyang makakatrabaho niya si Gabby: “First time na malaman ko ‘yon napa-wow na lang ako sa sarili ko. Alam naman po natin na guwapo at magaling na aktor si Mr. Gabby Concepcion, kaya sa part ko dapat paghandaan ko rin ang mga eksena namin para hindi ako mapahiya sa kanya.”
Sanya shared that she is still in the process of preparing for her character and draws on her past experience sa babysitting for her younger cousins - tatlong cousins daw ang inalagaan niya. “Sa tulong ni Direk LA (Madridejos) at ng buong production ay nasa proseso pa po ako ng pagkilala kay Yaya Melody, para mabigyang buhay at hustisya ko po ang pagkatao niya. ‘Yung buhay ko po noon sa Pulilan, Bulacan ay mayamang source ng inspiration, lalo po at naranasan ko ring mag-alaga ng mga pinsan na mas bata sa akin,” shared Sanya.
Kuwento ang First Yaya ng Vice President (Gabby), who will later become the President of the Philippines, na siya ang magiging official yaya ng mga anak ng presidente. Soon romance blooms between the two pero dadaan sa matinding challenge dahil sa PSG (Presidential Security Group) Head, played by Pancho Magno.
Also joining the cast are Cassy Legaspi, Joaquin “JD” Domagoso, and Ms. Pilar Pilapil. First Yaya is directed by LA Madridejos.