^

PSN Showbiz

Mga nanalo sa Aliwan Fiesta digital queen, namigay ng tulong

Pilipino Star Ngayon
Mga nanalo sa Aliwan Fiesta digital queen, namigay ng tulong

Ibinahagi kamakailan ni Jannarie Zarzoso, bagong hirang na Aliwan Fiesta Digital Queen 2020, ang katumbas ng halagang P50,000 na kanyang napanalunan sa Feed, Save, and Protect program ng Philippine National Police, sa harap ng punong-lungsod ng Cabadbaran, Agusan del Norte na si Mayor Judy Amante.  Kapwa pulis ang mga magulang ni Zarzoso, isang 22 anyos, accoun­ting technology graduate na sinuportahan ng lubos ng mga taga-CARAGA sa patimpalak ng Manila Broadcasting Company na ginanap online.

And kanyang first runner-up na si Jasmin Omay, tubong Tarlac at nag-aral maging piloto ay ibinigay naman ang P25,000 sa Kythe Foundation, na tumutulong mag-alaga sa mga batang may kanser.  Si Alyssa May Nicholls naman ng Isulan, ay inihandog ang P15,000 sa wildlife preservation ng Sultan Kudarat na nasa ilalim ng tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources, sa pamumuno ni Datu Yahiya G. Sinenggayan, at sinaksihan ni Bai Rihan Ma­ngudadatu Sakaluran, Representante sa Kongreso para sa Unang Distrito ng lalawigan.

QUEEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with