^

PSN Showbiz

Magsasakang reporter ng PSN at PM, nasa ONE PH na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Magsasakang reporter ng PSN at PM, nasa ONE PH na
Mer Layson
STAR/ File

Congrats naman sa kasamahan namin dito sa Pilipino Star NGAYON na si Mer Layson dahil mapapanood na sa TV simula sa Linggo (October 11) ang programa niyang Masaganang Buhay.

Si Mer ay nakilala bilang Magsasakang Reporter.

Ang Masaganang Buhay ay isa sa mga bagong programa sa One PH Cignal TV Channel 1 ng TV5, tuwing Linggo ng alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga.

Si Mer o Magsasakang Reporter na isa ring reporter ng Pang Masa ay ginawaran ng To Farm bilang isa sa Most Oustanding Farmer of the Philippines 2016 on Agri-Intreprenuer at 2017 BCYF Innovation award bilang Oustanding Agri-Business bilang host ng programa.

Kilala na ring vlogger si Mer sa kanyang Youtube Channel na Ang Magsasakang Reporter na may 110,000 subscribers na.

Yes, as in sa loob lang ng six months ay nakakuha na siya ng silver play button dahil sa kapaki-pakinabang na pagtuturo nito sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at Do it Yourself Tips.

Isang legit na farmer si Mer na ayon sa kanya ay bata pa lamang ay bihasa na siya sa mga gawaing bukid, pagsasaka at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman.

Sa edad na 16 ay lumawas siya ng Maynila, nag-self support student, nakatapos ng AB Masscom hanggang naging reporter.

Nasa puso at proud siya sa pagiging magsasaka, dahil laging iniisip na kung walang katulad niya ay maraming magugutom.

Kaya naman dinala niya sa siyudad ang ang pagtatanim at pagsasaka.

Ngayon ay nagtuturo siya ng ‘Urban Garde­ning in a Plastic Bottle’ at ‘Self Watering Plant’ na inabangan nga sa YT.

Kaya sa mga nahihilig ngayong magtanim at certified plantitas and plantitos  Aangan ang Masaganang Buhay tuwing Linggo ng umaga sa OnePh.

Congrats, Mer.

EDM artist na si Jace Roque, disappointed sa yellow…

Dahil sa krisis na dulot ng COVID-19, maraming celebrities ang napilitan maghanap ng alternatibong paraan ng paghahanapbuhay. Isa na rito ang top EDM artist na si Jace Roque. Dahil bawal pa sa ngayon ang mga concert at iba pang live event na bread and butter ng mga musikerong tulad niya, naisipan ni Jace na makipagsapalaran sa digital world.

Ipinasok diumano siya ng isang kaibigan sa Yellow Ribbon Agency upang maging live streamer sa Bigo Live Philippines. At naisip daw noon ni Jace na isa itong golden opportunity, pero diumano’y binigo lamang siya ng naturang live streaming platform, at maging ng mga nakatrabaho niya rito.

“On August 9, I became an official host of Bigo… through one of its agencies, Yellow Ribbon Agency. First week palang it felt off-putting na. After I completed my required hours and days, I came to the conclusion that live streaming in general isn’t the right platform for me,” ani Jace sa isang interview.

Hanggang kinausap na raw ni Jace si Arcii Sebastian Sy, ang host agency manager ng naturang ahensya. Ipinahayag ng top EDM artist ang plano niyang umalis ngunit nakiusap si Arcii na wag munang ituloy ni Jace ang pag-alis.

“I gave the app another chance, but I still felt the same way about live streaming. So on September 18, I contacted Arcii again and asked that my hosting agreement be terminated. On September 25, I was removed from Yellow Ribbon Agency’s group chat with no prior notice. Nagulat ako kasi kahit ayoko na maging official host ng Bigo Live Philippines, gusto ko sana na maging maayos yung pag-alis ko. Wala akong masamang tinapay sa kahit sino sa former agency ko.”

Naisip ng top EDM artist na yung pagtanggal nila sa kanya sa group chat ay hudyat na wala na nga siya sa roster ng Yellow Ribbon Agency.

Ngunit ani Jace, “Proper notice lang sana ang gusto ko. Kasi bigla na lang nila akong inalis sa group chat, tapos hindi na nila ako binalikan tungkol sa termination request ko. Which is disappointing,” sabi pa ni Jace.

Ngayon ay naghahanda na lang ang top EDM artist sa pag-shoot ng official music video ng Forever. Ito ang pinakabagong single niya na humakot ng 600,000 views sa Facebook at mapapakinggan sa lahat ng digital music platforms.

PSN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with