Thank you, Salve, Gorgy Rula at Mario Dumaual, for helping me na makausap si Caridad Sanchez. Ewan ko pero habang nag-uusap kami sa telepono, at masaya akong marinig ang boses niya na sounding strong and happy, tumutulo ang luha ko. Parang overwhelming feeling ang nadama ko, nagkaroon ako ng lump sa throat, at basta tuluy-tuloy ang tulo ng iyak ko.
Ganoon pala ‘yung feeling na makausap mo uli ang isang tao na naging importante sa buhay mo. Sinabi ko na sorry for losing touch, kasi nga mula nang namatay si Rudy Fernandez iniwasan ko nang pumunta ng White Plains dahil nalulungkot ako na maalala siya.
Sinabi ko rin na iginalang ko ‘yung hindi na niya pagtawag at inakala ko na gusto niya lang ng privacy. Nagpasalamat ako na nang dahil sa kanya ay natuto akong magmahal ng aso, at ngayon ang dami kong alaga.
Tinanong ko kung puwede ba siyang dalawin para madalhan ko kung ano ang gusto niyang pagkain. Sumasagot siya, tumatawa kung minsan, nagtatanong, ok ang boses niya, maganda ang flow ng conversation namin, at sabi ko nga she sounded healthy and happy.
I was very happy, basta alam ko, ok ang physical condition niya, at puwede pa siyang makipag-usap. At sinabi ko sa kanyang padadalhan ko siya ng flowers dahil mahal na mahal ko siya, sagot niya sa akin mahal din kita, ‘Sino ka na nga ba? ,’ at doon na ako nagba-bye sa kanya.
Siguro nga sa edad ni Caridad Sanchez kaya medyo makakalimutin na, pero sure ako, sharp pa rin at in tune siya sa paligid.
My dear Tita Caridad, stay safe, strong and happy. Thank you sa mga anak niya na nag-aalaga sa kanya. Thank you kay AJ na kasama niya sa bahay at kay Cathy na mahal na mahal din ang mother nila.
Thank you God, for giving me a chance to know and meet a Caridad Sanchez in my life. Thank you.
Joey, hindi marunong magalit
Malapit na ang birthday ng henyong si Joey de Leon. Ilang dekada na rin pero hanggang ngayon, hayan at matatag pa rin si Joey.
Grabe na hindi mo ma-imagine na merong TV show na tulad ng Eat Bulaga na tatagal ng 42 years and still strong. ‘Yung kombinasyon nila nina Tito at Vic Sotto, hindi matibag.
Lumaki na ang mga child discovery nila, hayun, sila pa rin ang hosts. Masarap katrabaho si Joey, team player, cool, at ang dami niya talagang alam, kaya Henyo ang tawag sa kanya.
Starstruck lagi ang writers ng kahit anong show na salihan niya kasi nga ang gaganda ng ideas niya. Napaka-professional, ang aga sa set, hitsura na kung minsan nauuna pa siya sa mga kasama.
Sa tagal naming magkasama, hindi ko siya nakitang nagalit o may pinagsabihang staff, kaya naman magaang kasama sa show at trabaho.
Masaya ako dahil nakikita kong very healthy siya, dahil na rin siguro alagang-alaga siya ni Eileen Macapagal, ang maganda niyang asawa.
Matagal pa bago mag-retire ang isang henyo na tulad ni Joey de Leon, at sabi nga niya, pag retired na siya wala siyang gagawin kundi mag-travel nang mag-travel dahil iyon talaga ang gusto niya.
To my ‘ilusyon’ love team, happy birthday, enjoy your day, and thank you for the friendship classmate, hah hah, hindi mo puwedeng itago ang edad mo noh, kaklase kita sa elementary. Your very proud classmate, Henyo ng showbiz.