^

PSN Showbiz

ABS-CBN shows nasa A2Z Channel 11 ni Bro. Eddie!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN shows nasa A2Z Channel 11 ni Bro. Eddie!
A2Z Channel 11
STAR/ File

Official na ang A2Z Channel 11.

Kahapon ay naglabas na ng official statement ang ABS-CBN.

“Gumagawa ang ABS-CBN ng mga palabas para sa iba’t ibang kumpanya, plataporma, at manonood sa loob at labas ng bansa.

“Simula Sabado (Oktubre 10), mapapanood na ang mga programa at pelikula ng ABS-CBN sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc.

“Mapapanood ang A2Z channel 11 sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya.

“Magtutulungan ang ABS-CBN at Zoe para mag­hatid ng entertainment, public service programs, at educational shows sa publiko,” ang buong pahayag ng network na hindi man napagkalooban ng franchise ng Kongreso matapos ang mahabang debate sa kanilang franchise renewal, ito balik-free TV sila.

Matagal nang pinag-uusapan ang tungkol dito.

Rebrands as A2Z ang dating Zoe Broadcasting Network Inc. Channel 11.

Wala pa silang binabanggit kung anu-anong mga programa ng Kapamilya network ang mapapanood dito.

Ayon naman sa statement ng Zoe “A bright ray of hope is about to shine on Philippine television as Zoe  Broadcasting Network Inc. announces the rebranding of Zoe Channel 11 as A2Z.

“Starting this October, A2Z will be the home of the newest TV experience for Filipinos as it offers relevant, informative, and entertaining content geared towards spiritual strengthening.

“The rebranded VHF channel will serve viewers with uplifting and inspiring shows of life,  love and hope, educational programs, local and foreign movies, some of the best-loved ABS-CBN shows through a blocktime arrangement, and programs from licensors like Christian Broadcasting Network (CBN Asia), Knowledge Channel and others. Some of the programs on Zoe’s Light TV 33 will also air on A2Z.”

Pero ayon kay Sherwin N. Tugna, chairman and President of Zoe
Broadcasting Network, Inc., “A2Z’s line-up of prog­rams were assembled with the goal of fulfilling the spiritual, information, and entertainment needs of Filipinos during this pandemic and beyond.”

So sakali kayang mapanood na sa A2Z ang It’s Showtime, magiging wholesome na kaya si Vice Ganda?

“Zoe Channel 11 TV gets a new name, a new look, and a new journey
serving God and the Filipino people.  We strive to provide Filipinos with
the best type of programming and bring glory to the Lord above,” dagdag ni Mr. Tugna.

Mapapanood ang A2Z sa channel 11 on free TV via analog broadcast in Metro Manila and nearby provinces. Available din daw ito sa many cable and satellite TV like Sky Cable (channel 11) and more.

Si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Church ang founder ng Zoe Broadcasting Network, Inc.

Jeepney TV, Cinemo, at Metro Channel nasa GSAT

Anyway, bukod sa Zoe o A2Z, mapapanood na rin ang mga pelikula,  Kapamilya programs, at bagong lifestyle shows sa TV service na GSAT sa buong bansa na nag-umpisa noong Lunes (Oktubre 5) -  na CineMo, Jeepney TV, at Metro Channel.

Nasa Metro Channel ang iba’t ibang programang tampok ang mga masasarap na pagkain, pananamit, at pamamasyal sa iba’t ibang bansa na pinagbibidahan ng tanyag na tao at sikat na artista tulad nina Edu Manzano, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at kilalang chef at may-ari ng restaurant na si Sandy Daza at marami pang iba.

Sa Jeepney TV naman, mababalikan ang mga palabas ng ABS-CBN na pumatok sa mga Pilipino. Kung laughtrip at maaksyon na palabas ang hanap, mapapanood ang mga pelikulang lokal at banyaga sa all-day entertainment channel na Cinemo. Masusubaybayan din ang adventures ni Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Bukod sa tatlong bagong channels, patuloy din silang napapanood sa GSAT ang Kapamilya Channel kung saan palabas ang mga bagong episode ng  It’s Showtime, FPJ’s Ang Probinsyano, Iba ‘Yan ni Angel Locsin, Paano Kita Mapasasalamatan ni Judy Ann Santos, TV Patrol,  at ang latest Kapamilya serye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Bongga, true nga na naghahanap ng ABS-CBN para sa mga programa nila.  So tuloy ang tapatan ng mga programa kahit nawala ang free TV ng ABS-CBN.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with